ATLANTA — Umiskor si Paul Millsap ng 22 puntos habang si Jeff Teague ay nag-ambag ng 17 puntos para sa Atlanta Hawks na nagtala ng franchise record na 15 diretsong panalo matapos talunin ang Oklahoma City Thunder, 103-93, sa kanilang NBA game kahapon.
Ang Hawks ay nagwagi sa ika-29 pagkakataon sa 31 laro para palawigin ang kanilang Eastern Conference-best record sa 36-8.
Apat na starters ang umiskor ng double figures at ang backup point guard Dennis Schroder ang nanguna sa ratsada sa ikaapat na yugto para tulungan ang Hawks na makalayo. Si Schroder ay nagtapos na may 13 puntos at limang assists.
Pinamunuan ni Russell Westbrook ang Thunder sa kinamadang 22 puntos.
Tanging si Kyle Korver ang starter na hindi umabot sa double figures subalit muli naman siyang napag-usapan matapos na makagawa ng dunk habang patapos ang oras sa first half at nakuha ng Hawks ang 48-47 kalamangan bago tumungo sa kanilang locker room.
Warriors 126, Kings 101
Sa Oakland, itinala ni Klay Thompson ang pinakamaraming puntos sa isang quarter sa kasaysayan ng NBA na 37 puntos sa ikatlong yugto para ihatid ang Golden State Warriors sa panalo kontra Sacramento Kings.
Si Thompson ay nagtapos na may career-high 52 puntos sa harap ng sellout crowd na 19,596 na dumagsa sa Oracle Arena at nakasaksi ng isang paglalaro na hindi makakalimutan ng mga mahihilig sa basketball sa Bay Area. Ang All-Star hopeful na si Thompson ay ibinuslo ang lahat ng 13 tira kabilang ang league-record na siyam na 3-pointers at ipinasok ang kanyang mga free throws sa loob ng 12 minuto.
Ang kanyang streaky shooting touch ay nakatulong din sa Warriors (35-6) na iuwi ang franchise-best 18th consecutive home victory. Ang Golden State ay naging ika-10 NBA team din na nanalo ng 35 laro sa kalagitnaan ng season.
Cavaliers 129, Hornets 90
Sa Cleveland, gumawa si LeBron James ng 25 puntos para pangunahan ang Cleveland Cavaliers na itinala ang ikalimang sunod na panalo matapos tambakan ang Charlotte Hornets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.