Angelica: Ako pala ang magiging asawa ni John Lloyd! Wow!
Angelica Panganiban does not want a very public proposal.
“Basta sinasabi ko sa kanya (John Lloyd Cruz) na kapag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao,” revealed the actress as the questioning on the presscon of “That Thing Called Tadhana” veered towards her romance with John Lloyd. Usung-uso kasi ngayon ang weddings among celebrities.
Say ni Angelica, kapag may nakikita siyang mga wedding proposals ay nagre-react siya at sinasabi ito kay John Lloyd, ‘Uy, kapag nag-propose ka sa akin, ayoko ng ganyan, ha? Ayoko ng mga may fireworks. Gusto ko medyo ano…’
“Basta sinasabi ko sa kanya, ‘pag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao. Ayoko ng event. Gusto ko, parang kami lang, family,” she added.
Don’t get her the wrong way. Angelica doesn’t have anything against very public wedding proposals. All that she wanted was a more private one as, “Parang mas sincere lang, mas solemn lang kapag kayo lang”.
“Yun lang naman ang point ko. Kung gusto niya (John Lloyd), kahit saan, okey lang din. Ang importante, nag-propose! Hindi na ako choosy!” she said chuckling.
Just like any other girlfriend, Angelica is hoping that John Lloyd is the one as, “Kaya ka naman nasa isang relationship (ay) dahil gusto mo ‘yun na talaga.”
When asked kung kinikilig ba siya kapag napag-uusapan nila ni John Lloyd ang wedding? “Oo naman!Haba ng hair! Ako pala yung mapapangasawa ni John Lloyd Cruz! Wow, clinaim! Ha-hahaha!’
Actually, mukhang suwerte si Angelica hindi lang sa pag-ibig kundi pati na sa career. She won Best Actress twice for “That Thing Called Tadhana”, one for the 2014 Cinema One Originals and another, a more recent victory, para sa Gawad Tanglaw Awards kung saan naka-tie niya ang Superstar na si Nora Aunor.
By the way, makakasama ni Angelica sa “That Thing Called Tadhana” si JM de Guzman showing on Feb. 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.