Pacman sumobra ang yabang: Pag tumakbo uli ako wag n'yo na akong iboto! | Bandera

Pacman sumobra ang yabang: Pag tumakbo uli ako wag n’yo na akong iboto!

Jobert Sucaldito - January 22, 2015 - 03:00 AM

manny pacquiao

TRENDING sa social media ang sari-saring reaksiyon ng mga Pinoy sa mga tinuran ni Boxing Champ cum Saranggani Congressman Manny Pacquiao regarding his political career sa kanilang lalawigan.

Daming nabuwisit sa kaniya sa mga sinabi niya sa The Today Show at sa members of the international press sa America nang tanungin siya on some related issues. Here is an excerpt from the news item na pinik-ap ko:

On his poor attendance at the House of Representatives, Pacquiao said: “Hindi naman ako mahihiya diyan. Yes, marami akong absent because marami akong commitments at sa fights. Two fights a year, at sa training pa lang.

“I don’t want to boast what I have done in my district, pero kung pakitaan nang accomplishment by the term sa distrito. Importante kasi ‘yung tao matulungan mo, at hindi ‘yung lagi kang nakaupo doon sa Kongreso,” he added.

“Puro batas ‘yung pina-file mo, wala namang pinakinabangan ang batas. Pero kailangan, you file the bill, ‘yung trabaho kailangan tulungan mo ang mga tao. Tapos ang term mo, tapos wala kang ginagawa sa mga tao.”

On his plans for 2016, Pacman said, “Sa akin, sa distrito ko, pag election, pag may kalaban ako, huwag niyo na akong iboto para hindi sumakit ang ulo ko.”

Pacquiao said he has been using his own money – that exceeded the budget of a Congressman – to help the people of his district, “Yun, mas happy ako kung hindi nila ako iboboto, ‘yung para hindi ako gagastos.

Wala naman akong hinahangad na magnakaw. Hindi ako katulad na magnanakaw. May takot ako sa Panginoon,” he also said.
Nakakaloka, di ba? Ang mga tao pa ang nasisi dahil ibinoto siya.

From wherever he came from, everything is paradise and he should stop complaining. Parang lumalabas tuloy na nanghihinayang siya sa mga nagastos niya sa politics.

Di ba siya ang nagsabi noon pa that he’d like to help the people. Sa katunayan nga, may tsismis na generous lang daw talaga iyang si Pacquiao pag merong camera na nakatutok – pag wala, tiyani raw iyan.

Silang mag-asawa ay magkapareho. Pinagmamalaki pang mga Christians daw pero nanghihinayang naman pala sa mga naitulong – he doesn’t walk his talk ha.

“Kung ganoon naman pala eh, di huwag siyang tumakbo para manalo ang kalaban niya. Baka mas marami pang magawa compared sa kaniya na walang inatupag kungdi ang pagboboksing lang niya dahil doon siya kumikita ng bilyon.

Bakit, tuwing nananalo ba siya ay hinihingan siya ng mga taga-Saranggani ng balato?  “Bakit hindi ang sarili niya ang depensahan niya without insulting the other politicians.

Sasabihin niyang hindi siya tulad ng marami riyan na magnanakaw sa kaban ng bayan – mayabang siya kasi meron siyang pinagkikitaang malaki sa boxing.

Pag may laban, hingi nang hingi ng dasal sa mga kapwa-Pilipino na manalo siya pero pag nanalo naman wala ka namang pakinabang sa kaniya.

“Magaling silang mang-uto pag malapit na ang laban niya pero after ng every fight ay nagsisipagyabangan na sila – pati nanay niyang si Dionisia ay sobrang yabang na rin ang dating.

Ang asawa niya ay left and right ang pagbili ng mga alahas and branded bags, at pinu-flaunt sa taumbayan. Kaya sa susunod, pag tumakbo siya, kahit barangay councilor, huwag natin siyang iboto,” anang galit na galit na netizen.

“Tama lang na hindi talaga siya labanan ni Mayweather kasi magagamit niya ang taong iyon for his own advantage. No win si Mayweather sa labang iyon. Kaya ako, never akong naging fan niyan.

Unang-una, I’m not a fan of boxing and I am not impressed by Pacquiao’s person. Ipokrito sita,” say naman ng isang buwisit na rin.Kaya ano? Iboboto niyo pa ba si Pacquiao sa susunod na eleksiyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala naman daw napapakinabangang batas sa Kongreso kaya what for at dumalo siya? Dapat diyan i-persona-non-grata sa Congress, eh. May point naman sana siya in some ways pero mali ang pagkasabi niya.

Walang humility. Kaya ako? Eiwwwww siya talaga sa akin. Promise!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending