Janine sa pagsali sa beauty contest: Hindi yan ang gusto ko!
Kahit anong pilit sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez, ayaw talaga niyang sumali sa kahit anong beauty pageant.
Sa press launch pa rin ng Boardwalk kung saan rumampa rin ang dalagang anak ni Lotlot de Leon bilang bagong celebrity endorser, sinabi nitong wala sa plano niya ang sumabak sa beauty contest.
Aniya, susuportahan na lang niya ang kanyang kaibigang si Wynn Wynn Marquez (anak nina Joey Marquez at Alma Moreno) na nakapasok bilang kandidata sa 2015 Bb. Pilipinas.
Naniniwala siya na malakas ang laban ng Kapuso actress-dancer sa nasabing beauty contest. “Hindi ko naman kasi talaga passion yun, eh. Ayoko naman sumali roon ng half-hearted lang.
Siyempre mas gusto ko munang pagbutihin yung akting ko. So focused lang muna ako dito,” ani Janine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.