GOOD PM. Wish ko sana sa mga mananahi ay mabigyan ng SSS. 1982 pa ako sa Tailoring na ito pero hanggang ngayon ay wala akong SSS. Salamat po
Edlyn, 52 Tacurong Sultan Kudarat
REPLY: Para sa katanungan ni Gng. Edlyn sa Social Security System. Nais sana namin na malaman kung siya ay isang manggagawa sa tailoring shop o siya ang nagmamay-ari nito.
Kapag siya ang nagmamay-ari ng tailoring shop, kwalipikado siya na maging miyembro bilang self employed .
Magtungo lamang sa pinakamalapit na sa-ngay ng SSS at mag fill up ng RS1 form at magdala ng birth certificate o baptismal certificate.
Kung siya naman ay isa lamang manggagawa ng tailoring shop, kausapin ang iyong employer at sabihin na obligado siyang i-rehistro kayo sa SSS para maging miyembro at saka pakuhanin ng SSS number ang mga empleyado
Sakaling hindi tatalima ang employer, maaari itong masampahan ng kaso sa SSS.
May kaakibat na parusang pagkakakulong ng 10 taon pataas at multang P20,000 sa mga employer na bigong iparehistro at bayaran ng contributions ang kanilang mga empleyado o manggagawa
Ms. Lilibeth
Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Deparment
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streamingwww.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.