Zsa Zsa dedma sa ari-arian ni Dolphy, takot makidnap
KAHIT anong pilit ng entertainment press kay Zsa Zsa Padilla, ayaw nitong magdetalye tungkol sa halaga ng mga naiwang ari-arian ng yumaong Comedy King na si Dolphy.
Pero ayon sa singer-actress-TV host, maraming nabiling properties si Mang Pidol noong nabubuhay pa ito. At sa pagkakaalam niya, doble o triple na ang halaga nito makalipas ang maraming taon.
Kabilang na rito ang napapabalitang chateau na binili sa kanya ng Comedy King sa Batangas, “Chateau ba talaga, hindi barong barong? Ha-hahaha! Basta , it’s on top of a hill. My girls and I Iike that we share everything equally.”
Dugtong pa ni sa Zsa Zsa, “You know what, Dolphy worked so hard at may knack siya (sa real estate business). May foresight. Pag may nabili siyang lupa, nag-a-appreciate talaga,” sabi pa ng Divine Diva sa presscon kamakailan ng pelikulang “M (Mother’s Maiden Name” na naging entry sa nakaraang MMFF 2014 New Wave category na magkakaroon na ng commercial realease sa mga sinehan simula Jan. 21.
Ilan sa mga properties ni Mang Dolphy ay nakatakdang i-auction sa Jan. 31 kaya ang tanong kay Zsa Zsa kung magkano kaya ang total amount kapag nabili lahat ito, “Pag may na-get na, saka na tayo mag-usap.
Ang daming nakikinig. Huwag nyo po akong kikidnapin. Wala akong pantubos. Ha-hahaha!” Ayon sa anak ni Dolphy na si Eric Quizon, kailangan na nilang ibenta ang mga naiwang ari-arian ni Dolphy para mapakinabangan nila.
Sey naman ni Zsa Zsa, “The auction will allow all heirs to have a chance to get some finances. It’s time na magkaroon na (sila) ng kanya-kanyang negosyo. At yung foundation, buhay pa.
Maraming plano para sa Dolphy museum and other things from the proceeds of the auction.” Samantala, mapapanood na nga sa mga sinehan sa Jan. 21 ang pelikula niyang “M (Mother’s Maiden Name” directed by Zig Dulay.
Dito siya nanalong best actress sa nakaraang MMFF 2014 para sa New Wave category. Inamin ng direktor ng movie na si Zig na inatake siya ng nerbiyos nu’ng nagsisimula pa lang silang mag-shooting, “Noong una, kinakabahan ako.
Nasa province pa lang ako, pinapanood ko na siya. Nakakatuwa na on the first day ng shooting, linapitan niya ako at sinabing, ‘Direk, kung may gusto kang ipagawa sa akin, sabihin mo lang.
I won’t take it personally.’ Naging at ease na ko sa kanya.” “Kahit baguhan pa ako, nararamdaman mo ang respect nya sa akin bilang director at katrabaho,” aniya pa.
Samantala, natanong din si Zsa Zsa during the presscon kung handa na ba siyang maging lola dahil balitang pinaplano na ng panganay niyang anak na si Karylle at asawa nitong si Yael Yuzon (lead vocalist Spongecola) na magkaroon ng baby.
“Sobrang ready na ako. Sila, yata hindi pa. Walang nangyari last year. Hopefully this year. Karylle has a lot of goals to pursue, pero sana regaluhan na sila ng baby,” sey ng singer-actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.