Magkakabalikan na ba ngayong 2015? (2) | Bandera

Magkakabalikan na ba ngayong 2015? (2)

Joseph Greenfield - January 16, 2015 - 03:16 PM

Sulat mula kay Raquel  ng Saguin, Makilala,  North Catabato    
Problema:
1.      Nag-break  kami ng boyfriend ko bago mag-December kaya sa ngayon ay magtwo-two months na wala kaming kumunikasyon.  Ngayon ay labis akong nanghihinayang sa relasyon namin kasi bigla na lang siyang nagalit at nagtampo dahil sa isang maliit na bagay lang na hindi namin pinagkasunduan. Ang problema ay panay ang text ko sa kanya at tawag pero di naman niya sinasagot. Ako na nga  ang nagpakumbaba at humihingi sa kanya ng sorry, pero bale wala pa rin. Deadma lang siya sa mga ginagawa kong effort.
2.      Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming magkabalikan. Kung magkakabalikan kami, sana kami na at sana ngayon ng buwan na ito para maging masaya naman ang Valentine’s Day ko. Di n’yo naitatanong ay until now mahal na mahal ko pa rin  ang boyfriend kong ito. Isinilang siya noong July 16, 1989 at November 11, 1990 naman ang birthday ko. Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan sa bandang huli?
Umaasa,
Raquel North Cotabato,
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio  (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible naman kayo ng boyfriend mo na isang Cancer sapagkat ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong tubig o water. Ibig sabihin, sa malapit na hinahanap, malaki ang tsansa na muli kayong magkakabalikan.
Numerology:
Habang ang birth date mong 11 ay tugmang-tugma rin sa birth date niyang 16, kung saan, ang 11 o 2 (1+1=2) at 16 o 7 (1+6=7) ay kapwa pinaghaharian ng  planetang Neptune-Moon. Ibig sabihin, sa pag-aanalisang Astro-Numerology, walang problema – tugma talaga kayong dalawa. Kaya tulad ng nasabi na, darating ang araw na hindi mo inaasahang, magte-text back din sa iyo ang boyfriend mo upang pag-usapan n’yo nang personal ang muli n’yong pagbabalikan.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling magkahiwalay at upang pang habambuhay nang itala ang inyong relasyon, mas mainam kung gagamit kayong lagi ng kulay na berde. Ang nasabing kulay ang magseselyo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Raquel, ayon sa iyong kapalaran, kung ikaw ay isang babaeng medyo chubby at maganda na maputi at ang boyfriend mo naman ay may kayumangging balat, tiyak na ang magaganap. Mula ngayong buwan hanggang Pebrero ay muli kayong magkakabalikan upang itala na mas lalo pang maging maligaya ang Araw ng mga Puso. Sa bandang huli, tulad nang naipaliwanag na, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending