Karla Estrada sumablay sa pakikialam sa career ni Daniel, iInulan ng reklamo | Bandera

Karla Estrada sumablay sa pakikialam sa career ni Daniel, iInulan ng reklamo

Cristy Fermin - January 16, 2015 - 03:00 AM

DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA

DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA

Ayon sa isang kuwentong nakarating sa amin ay tinangka pala ni Karla Estrada na sakupin ang pagbu-book sa kanyang anak na si Daniel Padilla sa mga concert-shows.

“Pinabayaan naman siya ng Star Magic, co-manager kasi siya, pero napansin ni Karla na walang bagong projects sa network ang anak niya! Naisip niya na baka ang ginagawa niya ang reason, kaya nu’ng minsan, nakipag-meeting siya sa management ng Star Magic at ibinalik na uli niya ang pagbu-book kay Daniel sa mga shows,” simulang kuwento ng aming source.

Kakambal din ng ganu’ng kuwento ang panggagasgas diumano ng ina ni Daniel Padilla sa kaganapan sa kanyang probinsiya, ang Tacloban, kaya hindi nakaalala man lang ang mag-ina nu’ng nakaraang Pasko para sa mga taong nakatulong nang malaki sa karera ng pinakasikat na heartthrob ngayon.

“Palagi na lang niyang ikinakatwiran ang ginawa nilang pagtulong sa mga taga-Tacloban. Gasgas na gasgas na niyang katwiran ang Yolanda. Mag-move-on na sana si Karla, totoong nakatulong sila sa mga binagyo, pero nu’ng last year pa ‘yun.
“Ihiwalay nila ‘yun, hindi niya dapat ikinakatwiran ‘yun. Hanggang kailan ba niya isasangkalan ang bagyo para makalusot siya?” napapailing na kuwento ng aming source.

Meron palang ganu’ng kuwento, nakalulungkot naman, dahil baka ‘yun pa ang maging dahilan ng pagtamlay ng karera ni Daniel Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending