Bagito nina Nash at Alexa matindi ang epekto sa mga magulang | Bandera

Bagito nina Nash at Alexa matindi ang epekto sa mga magulang

Alex Brosas - January 11, 2015 - 03:00 AM

nash alexa
Masuwerte ang ABS-CBN dahil trending palagi ang Bagito na nasa book 2 na. Pawang magagaling pa ang mga bidang sina Alexa Ilacad, Nash Aguas at Ella Cruz.

Although relatively young to play a young dad, nagampanan ni Nash ang role niya nang buong husay. He is incomparable, may nuances ang kanyang acting, he’s breathed life to his character with exceedingly right emotions.

“Noong una po kasi, medyo naninibago po ako sa character pero eventually, habang tumatagal maski ako mismo ay nadadala. Napi-feel ko kung ano ang dapat ma-feel niya, sinasabuhay ko po.

Minsan  kahit hindi naman kailangang umiyak pero kapag talagang masakit na sa damdamin naiiyak na lang akong kusa. So parang matindi lang po ang imagination ko sa role ko,” say ni Nash.

Since he’s still young, maraming natutunan si Nash mula sa kanyang mga magulang, foremost of which was, “Yung ‘pag nagkamali ka ‘wag kang ma-stuck na lang doon at ‘wag ka nang mag-move on.”

“Kapag tinama mo at ginawan mo ng solusyon or bumawi ka sa maling nagawa mo ay mas matutuwa pa at mas hahanga sa ‘yo ang mga tao kasi nagkamali ka at kaya mong bumangon,” say niya.

We believe na matindi ang epekto ng seryeng ito sa lahat ng magulang at sa kanilang mga anak dahil talagang nangyayari ito sa totoong buhay. Takot lang nilang makabuntis agad ang anak nila, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending