Magkaka-baby na ngayong 2015 | Bandera

Magkaka-baby na ngayong 2015

Joseph Greenfield - January 11, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Marlyn ng Subang, Mandaue City, Cebu
Dear Sir Greenfield,
Okey naman po sana ang pagsasama namin ng mister ko ang problema, sa loob ng limang taon  until now wala pa rin kaming anak. Itatanong ko lang po kung magkaka-baby na po ba kami ngayong taong ito ng 2015 at kung magkaka-baby na kami kailan po kaya ito mangyayari? Gusto ko rin pong malaman kung babae po ba o lalaki ang unang magiging baby namin? July 17, 1982 po ang birthday ko at January 16, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Marlyn ng Mandaue City, Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang malinaw na Children Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sadyang napakalaki ng pag-asa na magkaka-baby pa kayo ni mister. Basta’t ang mahalaga, patuloy lang kayong magunawaan, dagdag na exercise at kumain ng mga gulay at prutas. Sa ganyang paraan darating ang saktang araw bigla ka na lang mabubuntis.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Two of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang naglalarawan ng isang malusog na baby, na nakatakdang mabuo ngayong February at nakatakdang isinilang sa buwan ng October o kaya’y November sa taon ding ito ng 2015.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending