NAGPAHAYAG ng pagkairita si Manila Mayor Joseph Estrada kay da-ting Vice President Noli De Castro matapos nitong batikusin ang lokal na pamahalaan sa kabiguan umano nito na makontrol ang mga vendor na siyang sagabal sa taunang prusisyon ng Black Nazarene.
“Be a hermano mayor first. Let him try,” sabi ni Estrada. Umani ng batikos si De Castro sa mga netizen matapos nitong putulin sa ere si Winnie Cordero habang nag-uulat kaugnay ng paghahanda ng Maynila sa piyesta ng Black Nazarene. “Yung mga reklamo ni dating Vice President Noli de Castro, yung tungkol sa mga vendors, yung mga vendors pag ordinary days talagang…nababantayan namin,” dagdag ni Estrada. Ayon kay Estrada, napakahirap kontrolin kapag ang mga tao ay aabot na sa daan-daang libo at maging milyon-milyong. Aniya, hindi sapat kung 50 o 50,000 pulis ang ipapakalat kumpara sa milyun-milyong tao na lumalahok sa taunang prusisyon. Idinagdag ni Estrada na dapat maintindihan ni De Castro ang sitwasyon ng mga nasa impormal na sektor ng bansa.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending