Claudine ‘itinago’ kay Raymart ang 2 anak | Bandera

Claudine ‘itinago’ kay Raymart ang 2 anak

Ervin Santiago - January 09, 2015 - 03:00 AM

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

Malungkot na ibinalita ng Kapuso actor  Raymart Sanatiago na  hindi niya nakasama noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ang dalawa niyang anak na sina Sabina at Santino. Sinabi rin nitong tuloy pa rin ang pakikipaglaban niya sa kaso nila ng dating asawa?

“Oo, tuloy pa,” tugon ni Raymart. Natanong siya kung hindi ba siya napapagod sa pabalik-balik sa korte? “Nakakapagod nga…may kuwarto na nga ako du’n (korte)!” biro naman ni Raymart.

Siyempre, natanong din ang Kapuso actor kung naniniwala ba siya sa second chances? “Oo naman. May mga panahon, ‘di ba, na puwede nating itama at binibigyan tayo ng second chance para itama ang mga maling yun?”

E, kung bigyan sila ni Claudine ng second chance na magsama uli, papayag ba siya? “A, yun, wala nang chance yun. Wala nang second chance yun. Yung pagiging magkaibigan? Yun, puwede pa, sa friendship.”

Tungkol naman sa annulment nila ni Claudine, ayon kay Raymart inaayos na nila ito pero ayaw na niyang magdetalye dahil baka makaapekto pa sa kaso nila.

Kasabay nito, nagpakatotoo naman siya nang matanong kung masaya ba siya ngayon sa buhay niya? “Hindi masyado, hindi kumpleto. Makikita niyong masaya ako minsan, pero sa loob, medyo malungkot ako.

“Lalo na sa mga anak ko, yung pamilyang buo. Siyempre, hoping na maayos, pero hindi naging ganu’n. So, hindi rin ganu’n kasaya,” aniya pa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending