Sey ng madlang pipol: Andi playgirl, pasaway, gimikera | Bandera

Sey ng madlang pipol: Andi playgirl, pasaway, gimikera

Cristy Fermin - January 09, 2015 - 03:00 AM

ANDI EIGENMANN

ANDI EIGENMANN

Nakakaawa rin naman si Andi Eigenmann, kundi ang kanyang pagiging pasaway sa mommy niya ang paksa tungkol sa kanya ay ang pagiging playgirl niya ang palaging pinagpipistahan, wala na bang iba?

Marami namang positibong puwedeng pag-usapan tungkol sa tisay na young actress, pero hindi ‘yun ang napagtutuunan ng pansin, dahil puro usaping pakikipagrelasyon ang napagtutuunan tungkol sa kanya.

Nababalewala na tuloy ang pagiging aktres ng anak ni Jaclyn Jose, natatalo ‘yun ng mga kuwentong may kinalaman sa kanyang lovelife, nakakapanghinayang naman ang kung anumang talentong meron siya nang dahil sa ganu’n.

Pero si Andi rin naman kasi ang nagbibigay ng dahilan para ‘yun ang mas mapansin tungkol sa kanya, tweet kasi siya nang tweet ng kung anu-anong mga detalye tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig, tuloy ay napapailaliman na ang talentong meron siya.

Nakakaumay na ang mga ganu’ng kuwento, magpalitan lang sila ng hindi kagandahang salita ni Jake Ejercito ay nabubuyangyang na sa publiko, away-bati sila na parang aso’t pusa pero maya-maya lang naman ay magkasundo na sila.

“Nakakapanghinayang ang batang ‘yan, puro kakyondian lang niya ang napapansin ng tao sa kanya, ‘yun lang ba talaga ang dahilan kaya siya nag-artista?” pagpuna pa ng isang nakausap namin tungkol kay Andi Eigenmann.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending