Relasyong Kris-Ai Ai wasak na, mahirap nang mabuo uli | Bandera

Relasyong Kris-Ai Ai wasak na, mahirap nang mabuo uli

Cristy Fermin - January 08, 2015 - 03:00 AM

kris aquino
Sa isang umpukan ay binalanse ng isang magkakatropa ang naganap na pagbabati nina Ai Ai delas Alas at Kris Aquino. Maganda naman talaga ang nangyari, pareho nang maluwag ang kanilang dibdib ngayon, pero may pag-aalinlangan ang grupo sa nangyari.

Ang unang punto. Nagkasundo man sina Kris at Ai Ai ay mahirap nang maibalik pa ang dati nilang pagtitinginan bilang magkaibigan. Meron na kasing lamat ‘yun, nagkaroon na ng mga bahaging wasak, hindi na ‘yun kakayaning basta tagpian lang.

Sabi ng isang nasa umpukan, “Marami na silang nasabi kontra sa isa’t isa, pinalaki pa ‘yun ng mga nasulat na opinyon ng ibang tao, tamang nagkabati nga sila, pero hanggang diyan na lang ‘yun.”

Sa isang taon nilang hindi pagkakaunawaan ay totoo namang marami nang nangyari, nagbago na ang takbo ng kanilang buhay, may kani-kanyang prayoridad na sila ngayon.

“‘Yung pakikipag-close na lang ni Ai Ai kay VP Binay, ‘yung panonood niya ng PBA na katabi ang girlfriend ni James Yap na si Michaela Cazzola, sa palagay n’yo ba, e, wala na kay Kris ‘yun?

“Si Kris pa? Napaka-retentive ng babaeng ‘yun, matandain siya, hindi niya basta-basta makakalimutan ‘yun!” punto naman ng isa pang nasa umpukan.

Oo nga naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending