Kim ipinagtanggol si Xian sa mga tsismosa | Bandera

Kim ipinagtanggol si Xian sa mga tsismosa

- April 20, 2012 - 04:12 PM

Hindi  naniniwalang ginagamit lang siya para  sumikat

HINDI naniniwala si Kim Chiu sa mga balitang ginagamit lang siya ni Xian Lim para mas lalo pang sumikat.

Ayon kay Kim, hindi naman daw ganu’n ang pagkakakilala niya sa aktor dahil kahit paano ay nakasama naman daw niya ito nang matagal-tagal.

“Hindi naman siguro. Wala naman akong ginawa sa kanya, wala rin naman siyang ginawa sa akin.

Nagtrabaho lang naman kami. Siguro naman, deserving siya kung nasaan siya ngayon dahil sa talent niya at sa ipinapakita niya sa tao,” chika ni Kim sa isang interview.

Naniniwala rin si Kim na talagang marami ng fans si Xian dahil na rin sa magandang personality nito bukod pa sa kanyang kaguwapuhan. “Maayos naman ang itsura niya. Siguro nga maraming nagkakagusto sa kanya.

Wala naman akong say du’n. Talented naman yung tao. Unfair naman yung word na gamitan, parang hindi naman siguro,” hirit pa ni Kim.

Nag-comment din ang Kapuso actress na huwag na lang daw magpaapekto si Xian sa kanyang mga bashers, basta ang mahalaga raw ay masaya siya at maganda ang takbo ng kanyang career.

“Free naman sila na sabihin ang kahit anong gusto nilang sabihin.

Nasa amin (mga artista) naman yun kung gusto naming basahin, kung gusto naming dibdibin. Wala lang.

Artista kasi kami so napapanood nila kami.

Pwede silang mag-comment kahit anong gusto nila i-comment,” positibong pahayag pa ng aktres.

Pero ang tanong ng bayan, kumusta na nga ba sila ni Xian, bakit parang wala nang naririnig ang publiko about their supposed relationship?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Okay naman kami. Nagko-communicate kami, nagtatawagan, nagkaka-text, minsan lumalabas. Yeah, we’re friends. We’re true friends,” diretsong sagot ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending