Ara Mina inasunto si Cristine Reyes | Bandera

Ara Mina inasunto si Cristine Reyes

- April 19, 2012 - 05:18 PM

INIREKLAMO ng aktres na si Ara Mina ang kapwa aktres at  kapatid nitong  si Cristine Reyes kahapon sa Quezon City Prosecutors’ Office.

Reklamong libel at grave coersion ang isinampa ni Arama Mina kay Cristine dahil umano sa pagbabanta nito sa kanya na mag-eeskandalo siya kapag hindi siya nagbayad ng utang.

Isinampa niya umano ang reklamo dahil hindi na anya niya masikmura ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng kapatid sa pamamagitan ng mga text message.

Isang text mula umano sa kanyang kapatid ang  ipinakita nito na nagsasaad na sisiraan siya kapag hindi ito nagbayad ng utang.

Inamin naman ni Ara Mina na may utang nga siya sa kapatid na P1.8 milyon.

Nilinaw naman ni Ara Mina na wala siyang hinihinging danyos sa kapatid sa pagsasampa niya ng kaso laban dito.

Wala pang reaksyon ang kampo ni Cristine Reyes hinggil sa kaso habang isinusulat ang balitang ito.

Una nang napabalita na tumitindi na umano ang away ng magkapatid dahil sa usapin sa pera.— Ervin Santiago

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending