UAAP women’s volleyball balik-aksyon ngayon
Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
8 a.m. ADMU vs UE (men)
10 a.m. UP vs NU (men)
2 p.m. UP vs ADMU
(women)
4 p.m. UE vs DLSU (women)
Team Standings: La Salle (5-0), Ateneo (4-0), Adamson (3-2), FEU (3-3), UP (2-3), NU (2-3), UST (1-4), UE (0-5)
MATAPOS ang Christmas break, balik-aksyon ang mga koponan ngayon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 77 women’s volleyball tournament.
Ang Ateneo de Manila University ang magiging pinakaabala sa lahat ng mga koponan dahil maglalaro sila ng tatlong laro sa loob ng pitong araw bago isara ang kanilang iskedyul sa first round.
Ang Far Eastern University, na may pinakamaraming nilaro sa walong koponan sa anim na laro, ay may isang laro na lamang na natitira sa kanilang first round schedule.
Ang Lady Eagles ay may pinakakaunting laro sa apat dahil ang koponang nakabase sa Katipunan ay naglaro sa nakalipas na 17th ASEAN University Games sa Palembang, Indonesia kung saan nag-uwi sila ng tansong medalya.
Makakatapat ng Ateneo ang University of the Philippines ngayong alas-4 ng hapon sa The Arena sa San Juan City bago sumabak ang Lady Eagles sa back-to-back na laban sa susunod na linggo para kumpletuhin ang kanilang first round sked.
Makakaharap ng Ateneo ang University of the East sa Sabado, Enero 10, sa The Arena bago makasagupa ang De La Salle University kinabukasan sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.