Vice no. 1 pa rin sa 2014 MMFF; KUBOT, SRR 15 nilaglag nina Derek at Jennylyn | Bandera

Vice no. 1 pa rin sa 2014 MMFF; KUBOT, SRR 15 nilaglag nina Derek at Jennylyn

Reggee Bonoan - January 04, 2015 - 03:00 AM

vice ganda

BINABATI namin ang “English Please Only” dahil nasa ikaapat na puwesto na raw ito sa top five ng 2014 MMFF. Simula raw nang manalo sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ng Best Actor at Best Actress, idagdag pa ang 2nd Best Picture at Best Director ay tumaas na ang kita ng pelikula.

Nabalitaan namin na ilang sinehan pa ang nadagdag para sa nasabing filmfest entry kaya mula sa ikalimang puwesto ay umakyat ito sa pang-apat. Bumaba raw ang “Kubot:  Aswang Chronicles” at “Shake Rattle & Roll” dahil tinanggal na ang mga ito sa ilang sinehan.

Nananatiling nasa numero unong puwesto pa rin ang “The Amazing Praybeyt Benjamin”, ikalawa ang “Feng Shui”, ikatlo ang “My Big Bossing”, ikalima ang “Shake Rattle & Roll”, ikaanim ang “Bonifacio: Unang Pangulo” at huli ang “Muslim Magnum 357.”

Speaking of “Bonifacio”, napanood namin ito noong Bagong Taon at nanghihinayang din kami na hindi ito masyadong tinatangkilik ng tao, mas gusto kasi ng manonood nilang ang horror at comedy.

Sayang dahil  marami sanang matututunan ang moviegoers kung ano ang tunay na nangyari kay Andres Bonifacio bilang Supremo na namuno sa himagsikan laban sa mga Kastila at kung paano siya tinraydor base sa kuwento ng kapwa Pilipinong si Heneral Emilio Aguinaldo

Kaso, parang hindi kumpleto ang napanood namin  bossing Ervin dahil masyadong maiksi, tantiya namin ay umabot lang sa isang oras at beinte minutos ang pelikula ni Binoe.

Nabanggit dati ni Robin na maraming mae-edit sa movie dahil masyado itong mahaba at baka abutin ng apat na oras.
Napaiksi naman yatang masyado ang running time ng “Bonifacio”, kaya siguro nakulangan kami sa ibang detalye na napanood naman namin sa version na ginawa ni Alfred Vargas na may titulong “Supremo” na ipinalabas noong December, 2012.

Hindi nagmarka masyado kung sino si Emilio Jacinto bilang kakampi at tagapayo ni Robin bilang si Supremo; ang tinaguriang dakilang lumpo at abogado na si Apolinario Mabini; Macario Sakay na kaalyansa ni Bonifacio, Melchora Aquino na minsan lang ipinakita sa pelikula nang bigyan niya ng gulok si Andres.

Hinanap namin ang eksenang tinutulungan niya ang mga sugatang katipunero na pinakain at kinupkop sa bahay niya.
Sabagay, kanya-kanyang bersyon naman ‘yan, base sa pagkakaintindi nang sumulat ng script at kung paano i-execute ng direktor.

Walang kuwestiyon, magaling si Robin sa “Bonifacio” at puwedeng manalo rin sana siya ng best actor o tumabla sana kay Derek Ramsay pero mukhang mas nag-enjoy ang mga bumoto sa papel ng huli dahil unang beses siyang mapanood na nagpapatawa at hindi nagpapa-sexy.

May mga narinig kaming nagsabi na itong “Bonifacio”, ang pinakamagandang pelikula ni Robin at na puwede na raw siyang magretiro dahil nakagawa na siya ng legacy sa karera niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman kami pabor dito dahil mas nagustuhan namin si Robin sa “10,000 Hours” na ipinalabas noong 2013 na naging entry din sa MMFF at humakot din ng awards, kasama na ang Best Actor para kay Binoe na gumanap sa papel ni  Ping Lacson.

Type rin namin si Robin Padilla sa unang romantic comedy film niyang “Kailangan Ko’y Ikaw” kasama si Regine Velasquez noong 2000 na sinundan naman ng “Til I Met You” noong 2006.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending