Erap napatawad na ang anak, nakipagbati rin kay Bernard
I HAD a coffee break with dear friend Laarni Enriquez before lunch of Dec. 31, 2014 (isang taon na ang nakalilipas. Ha-hahahaha!) sa tapat ng condo nila sa San Juan City at marami kaming napagkuwentuhang anik-anik.
Casual tsikahan lang naman iyon between good friends na hindi ko alam kung puwede kong i-share with you. Pero seems like everyone is aware naman of the story – yung pagbabati ng mag-amang Mayor Joseph Estrada and daughter Jerica who gave birth to Bernard Palanca’s child a few months ago.
Wala namang sinabing off the record ang kafatid kong si Laarni about this kaya pwede ko namang i-share sa inyo. After all, positive issue naman ito kaya safe naman siguro for you guys to know.
December 23 nang magkausap sina Mayor Estrada and Laarni about their supposed Christmas dinner the day after. Sa flow ng kanilang usapan regarding their dinner plan, tinanong ni Laarni si Erap kung ano ang comfortable time for him the next day – at sila na ang mag-a-adjust.
And when they agreed on the time, marespeto namang binanggit ni Laarni na medyo malungkot naman ang magiging Christmas dinner nila dahil hindi sila kumpleto – kasi nga, may tampo pa that time si Mayor Erap kay Jerica dahil sa pagbubuntis nito courtesy of Bernard.
Sinabi ni Mayor Erap na okay naman sa kaniyang papuntahin si Ica sa dinner with their apo na si Isaiah. Biglang natuwa to the max si Laarni sa narinig niya- maliwanag na sinabi ng kaniyang dating lovey-dovey na okay nang magkita ang mag-ama.
Immediately she called Jerica and told her na ka-join sila ni Isaiah sa Christmas dinner the next day. Then dinner came and there they were – pagkita nilang mag-ama, niyakap ni Ica ang daddy niya nang mahigpit.
Kinarga ng mayor ang apo niya and after a while ay naupo na ito. Habang nakaupo si Mayor Erap, kumandong sa kaniya ang baby niyang si Ica and whispered to him, “Ang tagal mong nagtampo, dad. Ang tagal mo akong sinaktan”.
“Kasi nga, mahal na mahal kita anak,” sabi raw ni Mayor Erap. Isang linyang tumagos sa puso namin. Hanggang sa nagtanong ito kung nasaan na si Bernard.
Tinawagan ni Ica si Bernard and moments later ay dumating ito at inabot ang kamay kay Mayor Erap and the handsome mayor shook his hand.
Ang nakakatawa nito, kahit hindi umiinom si Bernard, napilitan siyang mag-wine na inabot sa kaniya ni Mayor Erap. Such a beautiful story of pagbabati, di ba?
“Imagine mo ang saya sa puso ko, sister. Ina ako at wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya ang lahat sa pamilya ko. I understand Mayor Erap for his feelings dahil ama siya pero siyempre, masakit din sa akin bilang ina ang nakikitang nasasaktan ang daughter ko. But I can only do so much.
“I have to console them all very peacefully. Hindi ko nga akalaing pati si Bernard ay babatiin na ni Mayor. Akala ko, it will take another year or what. Kaya masayang-masaya ako sa pangyayari.
Kaya I may say that this is one very happy Christmas for our family – my daughter can’t be happier with that happened,” kuwento sa akin ni kafatid na Laarni.
Parang gusto kong maiyak sa kuwentong iyon ni kafatid na Laarni. Kasi nga, kilala niyo naman si Mayor Erap – bruskong tao iyan – hindi lang dating action star pero dating pangulo pa ng bansa – matapang, matatag pero sa likod ng lahat ng katapangang iyon ay meron siyang magandang puso na nangibabaw.
I just love this story – and you know naman that I love Bernard too. Mabait sa akin ang batang iyan.Anyway, may isa namang nakakatuwang kuwento si Laarni about her son Jake Ejercito.
Habang nagkukuwentuhan kasi kami ay tumawag si Jake sa kaniya para magpaalam dahil pupunta raw ng Divisoria para mamili ng kung anik-anik na gagamitin nila sa New Year’s eve ng friends niya.
Ayaw kasi ni Jake na pumunta ng mall, mahal daw kasi doon compared sa Divisoria. Matipid pala itong si Jake and that’s good ha! “Kagabi kasi, may binili siyang parang Christmas disco ball sa Timog.
Yung umiilaw. Nabili daw niya iyon ng P2,000. Then, nagkita sila ng friends niya ang sabi sa kanya P800 lang daw iyon sa Raon. Nainis si Jake kasi feeling niya naisahan siya.
Kaya sa Divisoria na lang daw siya pupunta,” kuwento ni Laarni. Nakakatuwa naman si Jake – kahit richie-richie sila, marunong din siyang magtipid.
“Marunong humawak ng pera iyang si Jake. Hindi iyan magastos. May pagkakuripot nga pero let’s say na marunong lang siyang humawak ng pera niya.
Hindi siya nagtatapon ng pera unlike us. Ha-hahaha!” Laarni shared anew.Natapos kami nang kuwentuhan after almost
two hours. Kung hindi pa nag-text ang BF ko na nasa bahay na siya, baka hindi pa kami natapos sa daldalan. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.