Bandera throwback 2014: Masisipag na numero sa Lotto | Bandera

Bandera throwback 2014: Masisipag na numero sa Lotto

Leifbilly Begas - January 02, 2015 - 03:53 PM

NITONG nagdaang 2014 (hanggang sa draw nitong Disyembre 28), ang pinakamalaking jackpot prize na tinamaan ay P294.6 milyon sa bola ng 6/55 Grand Lotto.
Pito ang naitalang nanalo ng mga jackpot prize sa Grand Lotto sa nagdaang taon. Pinakamaliit na ang P30.9 milyon jackpot na tinamaan sa mga nasabing bola at dalawa pa ang naghati rito.
Tinamaan ang jackpot prize noong Enero 20 (P155.4 milyon), Abril 7 (P249.8 milyon), Hunyo 28 (P215.8 milyon), Setyembre 27 (P294.6 milyon), Oktubre 15 (P30.9 milyon) at Nobyembre 24 (70.166).
Mahirap tamaan ang 6/55 dahil mas maraming numero ang maaaring pagpilian dito.
Labingtatlo naman ang nanalo sa mga 6/49 Super Lotto draw na ang jackpot prize ay naitala sa P16 milyon hanggang P98.6 milyon.
Sa 20 nanalo naman ng jackpot prize sa MegaLotto 6/45, ang pinakamalaki ay P98.6 milyon at P9 milyon ang minimum na nakuha habang P50.6 milyon naman ang pinakamalaking tinamaan sa Lotto 6/42. Dalawampu’t walo naman ang naka-jackpot dito.
Sa pagtaya sa lotto, kalimitan na ang pinipili ng mananaya ay ang mga numerong may kinalaman sa kanilang buhay, gaya ng kaarawan, anibersaryo, edad at maging ang petsa ng kamatayan.
Pero ano nga ba ang mga numerong madalas na lumabas kapag tinatamaan ang lotto jackpot?
(Editor: Nililinaw lang po ng Bandera na ang mga numerong palaging lumalabas kapag tinatamaan ang jackpot ang siyang tampok dito at hindi ang mga numero na madalas lumabas sa lahat ng bola.)

6/55 Grand Lotto
Sa 55 numero, ang pinakamasipag na lumabas kapag tinatamaan ang jackpot prize ay ang numero otso (8).
Numero 8 – apat na beses lumabas
Numero 11, 19, 22, 27, 38, 39, at 42 – dalawang beses lumabas
1, 2, 3, 4, 5, 6, 13, 16, 17, 21, 28, 29, 32, 35, 46, 52 at 55 – Tig-iisang beses lumabas
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

6/49 Super Lotto
Numero 9 at 43 – tig limang beses lumabas
Numero 29 – apat na beses lumabas
Numero 6, 11, 13, 14, 21, 30, 42, 47 at 48 – tig-tatlong beses lumabas
2, 3, 5, 7, 12, 19, 20, 25, 39, at 49 – tig-dalawang beses lumabas
· Isang beses namang lumabas ang mga numerong 4, 17, 22, 24, 26, 27, 28, 31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 44, at 45.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

6/45 Mega Lotto
Sa Mega Lotto, may pagkakataon na tatlo ang naghati sa jackpot prize. Ito ay sa bola noong Disyembre 3. Sila ay naghati-hati sa P47.139 milyon.
Ang madalas namang lumabas na numero sa Mega Lotto ay ang mga sumusunod:
Numero 19
Pumangalawa naman ang 28 na limang beses na lumabas.
Apat na beses namang lumabas ang mga numerong 5, 9, 11, 12, 14, 16, at 24.
Tatlong beses lumabas ang 10, 13, 32, 38, 42, at 43.
Dalawang beses namang lumabas ang 4, 7, 17, 18, 23, 26, 27, 31, 33, 34, 35, 36, 39, at 40.
Lumabas naman minsan ang 1, 2, 6, 8, 21, 22, 29, 30, 37, 44, at 45.
Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes binobola ang Mega Lotto.

6/42 Lotto
Pinakamaraming beses na tinamaan ang Lotto 6/42 dahil mas konti ang mga numerong pagpipilian. Binobola ito tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Siyam na ulit lumabas ang numero 4
Sumunod naman ang numero 19 na walong beses na lumabas
Pitong beses namang lumabas ang numero 9, 12, at 21
Anim na ulit naman ang numero 1, 8, 23, at 31
Sumunod naman ang mga numerong 5, 15, 20, 27, at 29 na limang beses na lumabas
Apat na beses namang lumabas ang numero 11, 14, 17, 18, 22, 30, at 40
Tig-tatlong beses namang lumabas ang numero 6, 16, 24, at 36
Lumabas naman ng dalawang beses ang mga numero 2, 7, 10, 13, 26, 28, 33, 37, at 41.
Isang beses namang lumabas ang numero 3, 25, 34, 35, at 42.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending