Marian, Dingdong gagawa agad ng baby | Bandera

Marian, Dingdong gagawa agad ng baby

Ervin Santiago - January 02, 2015 - 03:00 AM

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

MARAMING na-inspire na showbiz couple ang bagong kasal na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Hangang-hanga sila sa ganda at kabonggahan ng tinaguriang “Royal Wedding” ng taon na ginanap nga noong Dec. 30 sa Immaculate Conception Cathedral, sa Cubao, Quezon City.

Halos lahat ng female celebrities na nakausap namin sa reception ng kasal sa SM MOA Arena ay inggit na inggit kay Marian.

‘Yun daw ang isa sa mga kasalan na hinding-hindi talaga nila malilimutan.

In fairness, ang kasal ng GMA Primetime King and Queen ang masasabi naming isa sa pinaka-star studded na wedding sa Pilipinas. Maliban kay Megastar Sharon Cuneta, lahat ng principal sponsors na celebrities ay nandoon, sa pangunguna nina Gov. Vilma Santos, Vic Sotto, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Helen Gamboa, Celia Rodriguez, German Moreno at Kris Aquino.
Present din sina Ai Ai delas Alas, Richard Gomez, Lucy Torres, KC Concepcion, Gabby Eigenmann, Alden Richards, Paolo Contis, KC Montero, Carlo Gonzalez at Arthur Solinap, pati na rin sina Bianca Gonzalez, Agot Isidro, Rochelle Pangilinan, John Lapus, Pauleen Luna, Liz Uy at Ryzza Mae Dizon. At siyempre, ang Witness Of Honor sa kasal na si Pangulong Noynoy Aquino.
Kapuri-puri rin ang ginawang pag-imbita nina Yanyan at Dong sa mahigit 120 fans nila para masaksihan nang personal ang kanilang pag-iisang dibdib. Nagmula pa raw sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang mga ito.

Siguradong nape-pressure na rin ngayon ang bagong kasal dahil halos lahat ng dumalo sa royal wedding ay iisa lang ang wish sa kanila – ang magkaroon agad ng baby.

Samantala, marami naman ang nagtatanong kung bakit hindi nakapunta sa kasal si Megastar Sharon Cuneta, tanging siya lang ang absent sa mga principal sponsors nina Marian at Dingdong. Sabi ng ilang netizens, baka raw nahihiya pa itong magpakita sa madlang pipol dahil hindi pa niya naa-achieve ang katawan na gusto niya.

May nagsabi naman na depressed pa rin si Mega dahil sa pagkamatay ni Mommy Elaine Cuneta. Well, kung anuman ang rason ni Sharon sa hindi pagsipot sa royal wedding, siguradong naiintindihan naman ‘yan nina Marian at Dingdong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending