Jake, Bea may huling hirit sa Strawberry Lane | Bandera

Jake, Bea may huling hirit sa Strawberry Lane

Ervin Santiago |December 29,2014
facebook
share this

Jake, Bea may huling hirit sa Strawberry Lane

Ervin Santiago - December 29, 2014 - 03:00 AM

jake vargas

HULING linggo na ng inaabangan n’yong GMA TeleBabad series na Strawberry Lane na pinagbibidahan nina Jake Vargas, Bea Binene, Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Jeric Gonzales at iba pang tween stars ng Kapuso network.

Malungkot na masaya ang feeling ngayon ng lahat ng bumubuo ng serye. Sad para sa mga artistang kasali sa programa dahil magkakahiwa-hiwalay na sila matapos ang ilang buwang pagsasama-sama sa taping, naging pamilya na rin daw kasi ang turingan nila dahil lagi lang silang happy sa set.

At siyempre masaya rin sila dahil matatapos ang Strawberry Lane na mataas pa rin ang rating. Ayon sa pambatong loveteam ng GMA na sina Jake at Bea, napakarami nilang natutunan sa Strawberry Lane, lalo na pagdating sa pag-arte dahil ang gagaling din ng mga kasama nila rito, tulad nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, TJ Trinidad at marami pang iba.

In fairness, masasabi nga nating mas nahasa pa sa pagdadrama sina Bea at Jake, pati na ang iba pang Kapuso tween stars na kasali rito. Sa bawat episode nga nito tuwing gabi puro positive comments ang nababasa namin mula sa netizens, lalo na yung mga viewers na tunay namang nai-inspire ng kuwento ng serye.

At sa pagpapatuloy ng kuwento ng Strawberry Lane sa huling linggo nito, nang makorner nga si Monique  (Sheryl) nina Elaine (Sheryl) hinostage niya ang anak na si Lavinia (Rita de Guzman) para makatakas.

Pero iniwan din niya ito nang tuluyang makaalis sa lugar. Nanginig sa takot ang dalaga sa ginawa ng ina. Pero nang tawagan siya nito para sumunod sa kanyang pagtakas, agad ding sumang-ayon si Lavinia.

Dito na hahabol sina Elaine kay Monique. Tuluyan kayang matakasan ni Monique ang lahat ng kasalanan niya? Ano na ang mangyayari sa magkakaibigan? May happy ending kaya ang pagmamahalan nina Clarissa at Gabo?

Abangan lahat yan sa huling linggong pasabog ng Strawberry Lane pagkatapos ng 24 Oras sa direksiyon ni Don Michael Perez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending