Vice no. 1 pa rin sa MMFF; Kris, Vic, Dingdong dikit ang laban | Bandera

Vice no. 1 pa rin sa MMFF; Kris, Vic, Dingdong dikit ang laban

Ambet Nabus - December 28, 2014 - 03:00 AM

vice ganda
HABANG“nananalasa” sa lakas sa takilya ang MMFF entry ni Vice Ganda na “Praybeyt Benjamin”, magkahalong lungkot at saya ng okasyon ang sinalubong ng aktor-TV host noong mismong araw ng Pasko, Dec. 25.

Pumanaw na kasi ang kanyang lolo. Matagal na ring panahong nasa ICU ang lolo ni Vice na araw-araw nga niyang binabati sa It’s Showtime pero nu’ng Pasko nga ay namaalam na ito.

“Si Vice talaga ang naglalarawan ng dalawang mukha ng showbiz sa ngayon. ‘Yung isa ay nakatawa, habang lumuluha naman ‘yung isa. Nakikiramay kami sa kanya and at the same time ay bumabati rin sa tagumpay ng movie niya,” saad ng isang nakausap naming kasamahan niya sa It’s Showtime.

“He made sure na number 1 ako before he left,” tweet naman ni Vice noong mabalita na nangunguna sa takilya ang pelikula niya sa MMFF. May mga unconfirmed reports pang binasag na ng “Praybeyt Benjamin 2” ang first day opening gross ng anumang MMFF entries.

Sa ulat naman na inilabas ni MMDA Chairman Francis Tolentino, umabot na sa halos P140 million ang kinita ng lahat ng entries this year, thus breaking the previous record made last year na umabot lang sa 124 million.

At kung magtutuloy-tuloy ito malamang na maabot nga nito ang target na isang bilyong kita until the festival ends on Jan. 7, 2015.

Hanggang kahapon, number 1 pa rin ang entry ni Vice, at naglalaban naman sa second, third at fourth spot ang “My Big Bossing”, “Feng Shui” at “Kubot”.

Tama naman ang naging desisyon ng MMFF organizers na huwag na munang isapubliko ang pagkakasunud-sunod ng mga pelikulang nangunguna at nangungulelat sa takilya para hindi maimpluwensiyahan ang mga manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending