ACES, ELASTO PAINTERS UNAHAN SA 3-2 BENTAHE | Bandera

ACES, ELASTO PAINTERS UNAHAN SA 3-2 BENTAHE

Barry Pascua - December 27, 2014 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
5 p.m. Rain or Shine vs Alaska Milk

HINDI magpipigil ang Rain or Shine at Alaska Milk upang makamit ang panalong maglalapit sa kanila sa Finals ng PBA Philippine Cup.

Ngayong tabla ang best-of-seven semifinal series sa 2-all, siguradong ibubuhos ng dalawang koponan ang lahat sa kanilang salpukan sa Game Five mamayang alas-5 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Puwede nang wakasan ng magwawagi mamaya ang serye sa pagpapatuloy ng torneo sa Enero 4.

Nagpamalas ng matinding atake sa fourth quarter ang Elasto Painters upang talunin ang Aces, 98-91, noong araw ng Pasko at itabla ang serye.

Nagwagi rin ang Rain or Shine sa Game Two, 102-95.

Ang Alaska Milk ay nanalo sa Game One (87-80) at Game Three (94-78).

Idinikta ng Aces ang Game Four at lumamang, 71-64, sa pagtatapos ng third quarter. Subalit hindi nila nagawang tapusin ang kalaban.

Sa pangunguna ni Jeff Chan na gumawa ng 25 puntos, ang Rain or Shine ay nakabalik at gumawa ng 34-20 atake kontra Aces sa fourth quarter.

Hindi nakahanap ng sagot ang Aces sa atake ng Elasto Painters lalo na nang mag-foul out ang sentrong si Joaquim Thoss may 3:51 ang natitira sa laro.

Nadagdagan pa ang problema ng Aces nang ma-thrown out si Calvin Abueva bunga ng flagrant foul penalty two nang masikmuraan niya si Jonathan Uyloan may 1:43 ang nalalabi sa laro. Sa yugtong iyon ay abante lang ang Rain or Shine ng tatlong puntos, 92-89.

Gumawa ng isang free throw si Uyloan at pagkatapos ay nagpasok ng three-point shot si Gabe Norwood upang siguraduhin na ang panalo ng Elasto Painters na naghahangad makabalik sa finals ng conference na ito kung saan noong nakaraang season ay sumegunda sila sa San Mig Coffee (ngayo’y Purefoods Star).

“We were helped a lot by that stupid move of Calvin Abueva. Nakatulong ‘yun,” ani Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao. “But we can’t rely on him making some more stupid moves in the future. We have to do it on our own.”

Si Chan ay gumawa ng 7-of-14 three-point shots. Si Norwood ay nagtapos nang may 12 puntos kabilang na ang pito sa fourth quarter. Nagdagdag ng 11 puntos si Beau Belga.

Nagtala rin ng 25 puntos si Thoss. Si Abueva ay gumawa ng 14 puntos samantalang nag-ambag ng 10 puntos si JVee Casio para sa Alaska Milk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We have to maintain our focus from start to finish if we want to get the upperhand again in the series,” ani Alaska Milk coach Alex Compton, na nakapaghatid sa Aces sa ikalawang sunod na semifinals appearance buhat nang maging head coach ng Alaska Milk.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending