TUMANGGING kumpirmahin ng Palasyo ang ulat na hiwalay na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ang Koreanang si Grace Lee na una nang iniulat ng Rappler. com.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na nabasa lang din niya ang ulat hinggil sa breakup ni Aquino at Lee.
“Hindi ko alam yon. I just saw it now,” sabi ni Lacierda.
Idinagdag ni Lacierda na hindi rin nakikialam ang Palasyo sa pribadong buhay ni Aquino.
“We don’t comment and we don’t ask the President about private matters kasi,” anya.
Batay sa ulat, mismong si Aquino ang nakipaghiwalay kay Lee ngayon lamang buwan.
Mismong si Aquino ang nagkumpirma na lumalabas nga sila ni Lee. – Bella Cariaso
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.