Daniel: Masyado silang nagmamarunong, akala mo sila ang nagpapakain sa amin! | Bandera

Daniel: Masyado silang nagmamarunong, akala mo sila ang nagpapakain sa amin!

Ervin Santiago - December 22, 2014 - 03:00 AM

daniel padilla

GALIT at nasaktan si Daniel Padilla sa walang patumanggang pamba-bash ng ilang netizens sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang amang si Rommel Padilla.

Ito’y may kinalaman pa rin sa naging pahayag ni Rommel na bigyang priority muna nito ang kanyang showbiz career kesa sa lovelife. Dito nabwisit ang ilang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo kaya kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato nila sa tatay ni DJ.

Sa isang interview, hindi na napigilan ng Kapamilya Teen King ang kanyang emosyon at nakapagsalita nga ito ng laban sa ilang supporters nila ni Kathryn, “Nalungkot po ako dahil malungkot po yung nangyayari sa social media.

Kaya ayoko niyan, e.  “Nakakalungkot na ang babata pa nu’ng…mga kung anu-ano ang sinasabi sa amin. Akala mo kung sino nang may mga alam. Kaya yun talagang ikinalungkot ko, kahit si Papa, si Tito Robin (Padilla) dinadamay.

Masyado silang nagmamarunong. Masyado silang maraming alam,” pahayag ng binata.  Aminado si Daniel na nasaktan siya hindi para sa kanyang sarili, kundi sa kanyang pamilya.

Kung siya lang daw ang tinitira ng bashers ay okay lang dahil sanay na siya, pero ang idamay pati ang pamilya niya ay ibang usapan na raw yun.

“Magaling nga sila, e. Medyo tinamaan nila ako ngayon. Dati ‘di naman nila ako tinatamaan, e. Kaso ngayon, medyo bumanat sila sa pamilya ko. Medyo nakakalungkot na ganun sila.

Masyado silang nagmamarunong,” sey pa ng aktor-singer. Nabasa namin ang ilang komento ng followers ni Daniel sa kanyang social media account at medyo below the belt na nga ang mga ito, lalo na yung isang nagsabi na user daw si DJ dahil ginagamit lang nito si Kathryn para sa kanyang career dahil ang totoo ay hindi talaga nito gusto ang dalaga.

Aminado naman ang aktor na malaki ang nagawa ni Kathryn sa pagsikat niya, “Kung wala si Kathryn, wala naman ako. Totoo yun. Kaya malaki ang pasasalamat natin kay Kathryn.

“Ngunit, yun nga ang sinasabi ko, may mga nagmamarunong na. Na akala mo sila yung nagpapakain sa amin, sila yung nagpalaki sa amin.

Yun ang malungkot. Sabi nga ni Kuya RJ (Padilla) kanina, ang dami mo nang nasasabi, hindi mo alam ang katotohanan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending