Aga umayaw sa bagong offer ng TV5; Ate Guy may ibang trip sa buhay
Walang samaan ng loob ang mga bossing ng TV5 at ang tatlong malalaking celebrities na hindi na pumirma ng bagong kontrata sa Kapatid network.
Ayon mismo kay TV5 president and chief executive officer na si Noel Lorenzana, naging maayos naman ang usapan sa pagitan ng network at nina Megastar Sharon Cuneta, Superstar Nora Aunor at Aga Muhlach.
“Malungkot kasi may pinagsamahan din kami. Pero in the end, I believe, you know, any endeavor that you go through, you have to work for win-win situation that all entities, actually, will find their peace, to find their picture.
So, I think, hindi naman ano… things will turn out good,” paliwanag ni Mr. Lorenzana sa pag-alis ni Mega sa TV5. Sa kaso naman nina Ate Guy at Aga, talagang nag-expire na raw ang kontrata ng mga ito.
Ayon sa TV5 executive na si Wilma Galvante, “Yung kay Ate Guy, nag-expire na talaga yung contract niya. Gusto din naman niya talaga yung film, more independent films.
“And then, we saw it also, e, in the course of her contract, gustung-gusto niya ‘pag may pelikula at gagawin niya muna yun. So, nag-expire yung contract, hindi na talaga kami nag-usap for any renewal,” anito.
“In the case naman of Aga, it’s also a business decision for the network because of the re-programming also that was going to happen. So, we were offering him sana muna program contracts forthe year.
“Pero parang hindi din muna comfortable si Aga doon and we respect that. But ang usapan is basta’t meron kaming maayos at solid na programs for Aga, we will still sit down,” esplika pa ni Ms. Wilma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.