Tuloy ang pag-aaral at walang matinding problema
GRAND entrance si Gretchen Barretto na naka-costume pa sa nakaraang presscon ng bagong seryeng Princess And I.
Naipakilala na kasi ang ibang members ng cast sa stage nang i-announce ang pagdating niya.
Talagang nagmukhang reyna siya at hari naman si Albert Martinez.
At naka-set-up pa talaga ang stage ng presscon na ginanap sa Dolphy Theater.
May mga guwardiya pa ‘yun na binabantayan ang royal family na kinabibilangangan nina Enrique Gil, Kathryn Bernardo at Albert.
Kasama rin sa cast sina Dominic Ochoa, Lara Quigaman, Sharmaine Suarez, Nina Dolino, Yayo Aguila, Khalil Ramos at Daniel Padilla.
Ginagampanan ni Albert ang role na hari at si Gretchen naman ay asawa ng ikalawang hari na ginagampanan ni Christian, “Albert is the King and my husband, si Christian Vasquez is the Vice King,” sabi ni Gretchen.
Ang ganda-ganda ni Gretchen noong gabi ng presscon at talagang tinitigan namin ang mukha niya na talagang sobrang kinis at wala ni isang tuldok ng dumi at higit sa lahat, blooming siya at parang hindi naman napupuyat sa kate-taping.
Ang sikreto pala ng aktres ayon mismo sa road manager niyang si Bettina Aspillaga, “Maagang matulog kasi, she wakes up early kasi ihahatid niya si Dominique sa school.”
“Kasi siya pagdating ng bahay, she’s a mom, she’s a wife, simpleng tao at personal niyang inaasikaso ang mag-ama niya, that’s Gretchen off-cam,” dagdag pa ni Bettina.
Samantala, ayaw sagutin ni Gretchen ang wild rumor tungkol sa kanyang anak (buntis daw) kaya ang road manager na lang niya ang tinanong namin tungkol sa isyu, “It’s not true.
Kakikita ko pa lang kay Dominique,” sabi ni Bettina.
“At saka ayaw isama ni Gretchen ang pamilya niya sa showbiz, napansin ninyo, hindi na siya tulad dati na maraming kuwento?” dagdag pa nito.
Sa isang international school daw nag-aaral ngayon ang nag-iisang anak nina Gretchen at Tony Boy Cojuangco at sadya nilang inilalayo sa mundo ng showbiz ang dalaga.
Samantala, ipinakita sa amin ni Bettina ang mga kuha niya sa kanyang tablet sa bansang Bhutan kung saan sila nag-shoot ng Princess And I at sobrang nagulat kami sa itsura nito dahil meron pa palang ganu’ng lugar sa mundo na sobrang laid-back.
At totoo nga ang sabi ni Albert Martinez na gumaganap bilang si King Anand na kung gusto mong magbakasyon at mahilig ka sa scenery ay perfect ang Bhutan dahil tahimik at maraming bundok, puno na inihantulad pa sa Baguio City noong 1920s.
“Yes, it’s true, masyadong laid-back ang Bhutan at sobrang lamig doon, grabe, at ang population nila, wala pa yatang isang milyon, ganu’n sila kakonti.” say ni Bettina.
“Ang maganda sa Bhutan, wi-fi country sila, at may mga gadgets din naman, may cable naman, kumpleto naman sila.
Ang pagkain grabe, lahat ng food spicy at may cheese.
Mahilig sila, at hindi sila pumapatay ng hayop kaya more on veggies sila, kasi Buddhist sila,” say pa ng RM ni Gretchen.
Samantala, mapapanood na bukas sa ABS ang Princess And I pagkatapos ng TV Patrol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.