TALK ‘N TEXT, GINEBRA AGAWAN SA SEMIS SPOT | Bandera

TALK ‘N TEXT, GINEBRA AGAWAN SA SEMIS SPOT

Barry Pascua |December 16,2014
facebook
share this

TALK ‘N TEXT, GINEBRA AGAWAN SA SEMIS SPOT

Barry Pascua - December 16, 2014 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Talk ‘N Text vs Barangay Ginebra

HABANG naghihintay ang San Miguel Beer, magkikita ngayon ang Talk ‘N Text at Barangay Ginebra sa sudden-death match para sa huling semifinals berth ng PBA Philippine Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Hindi na pinaporma ng Tropang Texters at Gin Kings ang mga nakasagupa nila sa unang yugto ng quarterfinals noong Biyernes kung saan nagkaroon sila ng twice-to-beat na bentahe. Dinaig ng Talk ‘N Text ang Barako Bull, 105-76, samantalang tinalo ng Barangay Ginebra ang Globalport, 95-78.

Ang Tropang Texters, na ngayon ay hawak ni head coach Joseph Uichico, ay nakakuha ng matinding performances sa mga rookies na sina Matthew Canuelas-Rosser at Kevin Alas kontra Energy. Si Ganuelas-Rosser ay nagtala ng 19 puntos at nagdagdag ng 14 si Alas.

Makakatunggali ni Uichico ang dati niyang koponan. Kung magugunita, ang huling hinawakan ni Uichico bilang head coach ay ang Barangay Ginebra bago siya lumipat sa Meralco bilang consultant.

Sa elims ay dinaig ng Gin Kings ang Tropang Texters, 101-81, sa opening day sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong Oktubre 19.

Ang larong iyon ay dinomina ng mga higanteng sina Japeth Aguilar at Gregory Slaughter. Si Aguilar ay nagtala ng 18 puntos at 18 rebounds bukod sa limang supalpal samantalang nagdagdag ng 16 puntos si Slaughter.

Hindi nakapaglaro para sa Tropang Texters ang mga Asian Gamers na sina Jimmy Alapag at Ranidel de Ocampo bunga ng injuries. Ang dalawa ay nakabalik na at nakatulong upang wakasan ng Talk ‘N Text ang elims sa kartang 8-3 kasama ng Alaska Milk sa ikatlong puwesto. Ang Gin Kings ay nagtapos sa ikalimang puwesto kasama ng Meralco at Purefoods Star sa record na 6-5.

Si Uichico ay aasa rin kina Jason Castro, Kelly Williams, Larry Fonacier at Jay Washington.

Si Barangay Ginebra head coach Jeffrey Cariaso ay sasandig naman kina LA Tenorio, Joseph Yeo, Mac Baracael at mga dating Most Valuable Player awardees na sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand.

Magsisimula ang semis sa pagitan ng San Miguel Beer at magwawagi sa Barangay Ginebra-Talk ‘N Text game sa Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending