May ka-chat mate na foreigner (2) | Bandera

May ka-chat mate na foreigner (2)

Joseph Greenfield - December 15, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jenny ng Cabittaogan,  Sta.  Catalina, Ilocos Sur
Problema: 
1.      May boyfriend po ako at magtu-two years na ang relasyon naming sa darating na December 25. Nag-aaya na po siyang magpakasal, kasi may konting ipon na daw po siya. Pero until now undecided pa rin ako kasi may ka-chat mate po akong foreigner nang hindi nya alam. Iniisip ko po kasing makarating sa abroad kung sakaling magiging tapat ang ka-chat mate kong foreigner sa kanyang pangako na dadalhin nya daw ako sa bansa nila kung sakaling magpapakasal ako sa kanya.
2.      Nais ko lang pong malaman kung sino sa dalawang lalaking ito ang aking makakatuluyan? January 8, 1989 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay September 14, 1987 at ang ka-chat mate ko namang foreigner ay April 23, 1986 ang birthday.
Umaasa,
Jenny ng Ilocos Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing mayaman ang iyong mapapangasawa at dahil sa pag-aasawang ito yayaman ka rin. Kaya nga kung sino ang mas mayaman sa dalawang lalaking bahagi ng buhay mo sa ngayon, siya na ang mapapangasawa mo.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing pareho mong ka-compatible ang boyfriend mong may birth date na 14 at ang ka-chat mate mong may birth date na 23. Kung saan, sino man ang makatuluyan mo sa kanilang dalawa, siguradong magkakaroon ka ng isang maunlad at maalwang pamumuhay.
Graphology:
Kapansin-pansin sa iyong lagda ang magandang pagkakabilog ng letrang “J at y” sa ibabang bahagi. Ang ibig sabihin nito sa pag-aasawa, sino man sa dalawang lalaking nabanggit na ang iyong makatuluyan, walang duda, habang buhay kang uunlad at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Jenny ayon sa iyong kapalaran, kahit ano ang gawin mong pagpapasya sa ngayo, magpakasal ka sa boyfriend mong Pinoy o sa ka-chat mate mo foreigner hindi pa rin mababago ang nakatakda sa iyong pag-aasawa na magaganap sa susunod na taong 2015, ikaw ay nakatalaga nang magdanas ng isang maunlad, masagana at maligayang pag-aasawa habambuhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending