HANDA ng harapin ng pound for pound king Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao sa 2015.
Binanggit pa ni Mayweather sa panayam ng Showtime ang petsang Mayo 2 para mapanood ng lahat ang kinasasabikang laban.
“Absolutely, I would love to fight Manny Pacquiao. We want the fight. Let’s make it happen. May 2nd Mayweather and Manny Pacquiao. Let’s do it,” wika ni Mayweather.
Sa Showtime nais gawin ni Mayweather ang laban pero kasabay nito ay ang pagbulalas na hindi makukuha ng Pambansang Kamao ang nais na kita sa magiging laban. Bukod pa ito sa posibleng pagdaan ni Pacman sa random blood at urine testing, bagay na noon pang sinabi ni Mayweather.
“I know that he’s not on my level,” ani pa ni Mayweather. “The fans want to see the fight and I wanna go out with a bang.”
Ito ang unang pagkakataon na mismong si Mayweather ang nagsabi na gusto niyang harapin si Pacquiao at idinagdag na noon pa niya gustong mangyari ito pero pinipigil umano ni Bob Arum ng Top Rank.
Matapos ang unanimous decision panalo ni Pacquiao kay Chris Algieri sa huling laban ay nasabi rin ni Arum ang kahandaan na selyuhan ang mega fight at mayinisyal na siyang pakikipag-usap kay Les Moonves, ang chairman ng CBS Corp. na siyang nagpapatakbo sa Showtime.
Kung seryoso ang magkabilang panig sa kanilang mga sinabi, tiyak na malalaman na kung sino kina Mayweather at Pacquiao ang tunay na mahusay na boksingero sa kanilang kapanahunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.