Bistek pinagalitan ng simbahan sa pagsuporta kina Aiza at Liza | Bandera

Bistek pinagalitan ng simbahan sa pagsuporta kina Aiza at Liza

Alex Brosas - December 14, 2014 - 03:00 AM

herbert bautista
“To our beloved haters. Thank you for making Liza and I stronger. May you find love, peace and happiness.”

That was Aiza Seguerra’s caption in a quote she posted on her Instagram account which said, “Small minds can’t comprehend big spirits. To be great, you have to be willing to be mocked, hated and misunderstood.”

Ang feeling kasi ni Aiza ay sobrang nalait ang pagpapakasal niya kay Liza Diño. Ang dami kasing tumuligsa sa kanila, ang daming hate messages ang pinakawalan against them.

Kasi naman, proud na proud pa nilang ipinost sa social media ang mga kaganapan sa kanilang kasa. Ayan tuloy ang kanilang napala. Masyado kasi silang uhaw sa publicity, eh, di sandamakmak na lait ang inabot n’yo.

Masyadong ipinangalandakan nina Aiza at Liza ang kanilang wedding sa US. It was as if they were honored with a big award. Parang nanalo sila sa lotto sa kanilang aria.

Alam mo naman sa ating bansa, mas marami pa rin ang conservative at hindi pa rin tanggap ang same-sex marriage kaya sana hindi na lang nila masyadong ipinush!

Nagpakita ng suporta sa same-sex marriage si Quezon City Mayor Herbert Bautista kaya naman labis-labis ang pasasalamat nitong Aiza.

“Mayor Bistek, thank you for recognizing that the LGBT community has rights too. Salamat sa pakikipaglaban kasama namin,” tweet ni Aiza.

Nabalitaan naming naimbiyerna ang simbahang Katoliko sa pagsuporta ni Mayor Bistek sa same sex marriage at napagsabihan daw ang actor-politician.

Bakit naman kailangan pang makialam ng simbahan? Ano’ng paki nila? Masyado silang umeepal, ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending