Jennylyn: Ako ang nanay, ako rin ang tatay! | Bandera

Jennylyn: Ako ang nanay, ako rin ang tatay!

Ervin Santiago - December 14, 2014 - 03:00 AM

jennylyn mercado
Isang magandang ehemplo si Jennylyn Mercado para sa lahat ng single and working  moms. Inuuna muna niya ang pag-aalaga sa kanyang anak kesa sa sarili niyang kaligayahan.

Natuto na raw si Jen pagdating sa pakikipagrelasyon, kaya sa ngayon daw mas priority niya ang si Alex Jazz at ang kanyang career kesa sa lovelife. Naniniwala siya na may tao pa ring nakalaan para sa kanya kaya waiting lang daw siya.

“Ganoon ang buhay. Kailangan maging malakas lang. Darating din ang tamang oras at tamang panahon para ibigay Niya iyon sa akin, kung sino man ang karapat-dapat sa buhay natin,” sey ni Jennylyn sa isang interview.

Marami ang nagsasabi na kahit mag-isa lang si Jen sa pagpapalaki sa kanyang anak ay naaalagaan pa rin niya nang maayos ang bata, pero inamin niya na medyo disciplinarian siyang mommy, pero hindi naman siya istriktong nanay.

“Pinalaki ko siyang ‘yung tama lang, ‘yung laging may limitation. Sa laro, hindi puwedeng sobra. Hindi porke’t may pera, kailangan maraming laruan. Gusto ko parin simpleng buhay.

Gusto ko siyang lumaki na normal na bata,” chika pa ng Kapuso actress. Naikuwento rin ni Jennylyn na nagsimula na rin daw ang therapy kay Alex Jazz, may delay daw kasi sa speech development ng bagets at ayon kay Jen maganda raw ang resulta ng nasabing therapy.

Tungkol naman sa financial support ng tatay ng kanyang anak na si Patrick Garcia,  “Ako lang talaga. Ako ang nanay, ako rin ang tatay. Mahirap talaga mag-isa, pero masarap kasi nakikita mo na, o, nakaka proud.

Kaya ko pala. Kaya ‘yung mga single moms diyan, kayang-kaya din nila ‘yun!”  Pero in fairness, maayos na ang relasyon nina Jennylyn at Patrick, hindi lang namin alam kung ano ang usapan nila sa pag-aalaga sa bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending