Marian sa pagbubuntis: Dapat agad-agad! Pagka-‘I do’ yun na! | Bandera

Marian sa pagbubuntis: Dapat agad-agad! Pagka-‘I do’ yun na!

Ervin Santiago - December 11, 2014 - 03:00 AM

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

Finally, sinagot na ni Marian Rivera ang mga bashers na kumukuwestiyon sa gaganaping Royal Wedding nila ni Dingdong Dantes sa Dec. 30.

Marami kasi ang nagsasabing wala silang karapatang gamitin ang mga katagang Royal Wedding dahil hindi naman sila talaga maituturing na royalties, “Sa totoo lang po, GMA po ang nagbigay ng mga term na ‘yan. Pero sana, huwag na lang din pong gamitin.

“Hindi naman sa ayaw naming gamitin, pero bilang ibinibigay sa amin, siguro mas gusto namin na in a humble way, huwag na lang po kaming tawaging ganu’n. As Dingdong and Marian, masaya na po kami du’n,” paliwanag ni Marian  sa bridal shower na ibinigay sa kanya ng Belo Group recently.

Sa mga nagsasabing hindi lang wedding of the year ang kanilang kasal ni Dingdong kundi posible pa itong maging wedding of the decade, ito ang naging tugon ng aktres, “After na lang ng kasal saka sila magsabi. Ang importante, masaya kami and looking forward kami sa araw na yun.”

Kinumpirma rin ni Marian na sa Mall of Asia Arena talaga gaganapin ang reception ng kasal nila ni Dingdong dahil na rin sa dami ng invited guests, “Actually, hindi ko kayang magbigay ng specific kung ilang tao at anong mangyayari. Kasi, sa totoo lang, alam ko kung ano ang mangyayari at gusto kong mangyari, ibinigay sa akin ‘yan ni Dong.

“Pero ang dami pa rin niyang surprise sa akin, so looking forward ako,” aniya pa.

Ibig bang sabihin, imbitado ang buong madlang pipol?  “Hindi naman, pero gusto kasi naming maimbitahan yung mga taong nandiyan at nagmamahal talaga sa amin. Kahit gusto ko na lahat talaga nandoon, pero siyempre, hindi naman namin kakayanin.”

Tungkol naman sa pagbubuntis, “Gusto ko talaga, agad-agad, pagka-‘I do,’ yun na yun. Sabi ko nga, sana bigyan kami ng Panginoon ng pagkakataon na magkaanak talaga dahil ang anak ay blessing talaga ‘yan. Hindi pupuwedeng gusto mo, mangyayari sa ‘yo. Kusang ibinibigay sa ‘yo ‘yan ng Panginoon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending