Agot nabiktima ng Dugo Dugo gang, P3-M natangay | Bandera

Agot nabiktima ng Dugo Dugo gang, P3-M natangay

Ervin Santiago - December 09, 2014 - 03:00 AM

agot isidro
Nasa P3 million halaga ng cash at kagamitan ang nakuha ng isang sindikato mula sa aktres na si Agot Isidro. Nabiktima nga raw ng  Dugo Dugo gang ang isa sa cast members ng seryeng Bagito ng ABS-CBN kamakailan.

Ayon sa nabasa naming ulat, mismong sa bahay ni Agot naganap ang pambibiktima ng mga suspek. Sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang insidente dakong 3 p.m. hanggang 7 p.m. sa Hillsideloop St., Blue Ridge Subdivision, Barangay Blue Ridge, Q.C..

Mismong si Agot ang nagtungo sa himpilan ng pulisya para ireport ang nangyari. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, may natanggap na tawag ang maid ni Agot na si Maenelyn Omapas mula sa isang babae.

Sinabi nitong naaksidente si Agot, may kasama raw itong isang mayamang Chinese na nagngangalang Allan Chua. Sa puntong ito, ipinakausap ng nasabing babae sa katulong ang nagpanggap na Agot Isidro, sinabi nitong na masama ang pakiramdam niya at gusto na niyang umuwi, pero kailangan daw munang magbigay siya ng pera sa kasama niyang Chinese.

Mabilis namang sumunod ang kasambahay at hinanap ang safety vault ng aktres at dito nga niya kinuha ang pera at mga alahas ni Agot, at inilagay  sa isang bag tulad ng utos ng suspek.

Nag-taxi ang maid ni Agot at dinala ang pera at alahas sa Wilcon Depot, sa Balintawak. Ibinigay daw nito ang dalang bag sa isang babaeng nagpanggap na secretary ng tumawag sa kanya.

Ayon sa maid ng aktres, nalaman na lang nito na nabiktima siya ng Dugo-Dugo gang nang mabatid na nasa trabaho pa ang aktres nu’ng oras na ‘yun.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing kaso. Samantala, hindi pa nag-iisyu ng official statement si Agot tungkol sa insidente.

Napapanood ang aktres ngayon sa Primetime Bida series na Bagito (nago mag-TV Patrol) na pinagbibidahan nina Nash Aguas, Alexa Ilacad at Ella Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending