Enrique nag-I love you na kay Liza; netizens nagkagulo sa Twitter
MULING nag-trending worldwide ang episode noong Biyernes ng gabi ang number one teleserye sa Primetime Bida na Forevermore sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Pinag-usapan nang bonggang-bongga ang “#Yes Agnes” matapos itong mapasali sa worldwide trending topics sa Twitter last week. Sa nasabing episode ng serye, binigyan ng parangal si Xander (Enrique) matapos niyang i-rescue si Agnes (Liza) at ang isang babae na na-trap sa debris dahil sa lindol.
Pero sa halip na magbigay ng speech para sa natanggap na award, ibinandera niya ang pagmamahal kay Agnes na nandoon sa event kasama ang mga taga-La Preza.
“I never expected to fall in love with you, the same way na hindi ko sinadyang bumagsak sa trak ng strawberry ninyo. Yes, Agnes, mahal na kita,” ang dialogue ni Xander.
Hirit pa nito, “Let me take this opportunity, not to regale all of you with tales of heroism, but to make a confession: I love you, Agnes, and I hope I can be a part of your life for good.”
Matapos ang nasabing mga eksena, bumaha ng mga mensahe sa Twitter patungkol sa dalawang bida ng Forevermore kaya biglang nag-trend ang “Yes Agnes” at ang official hashtag ng episode na “#ForevermoreTheBigReveal.”
At dahil gabi-gabi ngang pinag-uusapan sa social media ang Forevermore, lagi rin itong nangunguna sa ratings game. Base sa survey ng Kantar Media, nitong nakaraang November, nasa ikaapat na pwesto ito sa overall most watched programs, with national TV rating of 28.7%.
Kasama rin sa Forevermore sina Zoren Legaspi, Lilet, Kit Thompson, Joey Marquez, Marissa Delgado at marami pang iba, sa direksiyon nina Cathy Garcia-Molina at Theodore Boborol. Napapanood ito pagkatapos ng Dream Dad sa ABS-CBN Primetime Bida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.