Alex, Matteo napiling magbida sa remake ng ‘INDAY BOTE’ ni Maricel | Bandera

Alex, Matteo napiling magbida sa remake ng ‘INDAY BOTE’ ni Maricel

Ervin Santiago - December 04, 2014 - 03:00 AM

alex gonzaga
SI Alex Gonzaga ang napili ng ABS-CBN para magbida sa TV remake ng blockbuster hit movie noon ni Maricel Soriano na “Inday Bote”.

At ngayon pa lang ay aminado na si Alex na todo na ang nerbiyos na nararamdaman niya dahil alam niyang malaki ang magiging expectation sa kanya ng madlang pipol.

Alam kasi niya na ang galing-galing ng Diamond Star sa nasabing movie at talagang kumita nang limpak-limpak sa takilya noong dekada ‘80.

“Siyempre (sobrang pressure) pero hindi ko na iniisip yun. Ang hirap nu’n dahil yung original talaga is Miss Maricel Soriano, the Diamond Star. Kapag inisip ko yun, baka forever na lang ako ma-pressure.

Ayaw ko na lang isipin. Thankful po talaga kami na naibigay sa amin itong project,” chika ni Alex sa interview ng ABS-CBN.
Tinanong si Alex kung nakilala na niya nang personal si Maricel, hindi pa raw pero wish niya raw na makita up close and personal ang award-winning actress.

“Oo naman, dati pa kasi nanonood ako nung mga sitcoms niya dati sa ABS. Gusto ko talaga siya ma-meet if given a chance,” aniya. Hindi pa napapanood ni Alex ang original na “Inday Bote,” na isang nobela sa komiks ni Pablo S. Gomez.

Ito’y tungkol sa isang totomboy-tomboy na dalaga na bumibili ng bote at dyaryo. Sey ni Alex, “Sinabi nila huwag ko na daw muna po panoorin kasi baka magaya ko daw yung acting. Kasi medyo may konting iniba sa kwento.”

Makakasama ni Alex sa Inday Bote sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano. Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa bagong project na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, “Sobrang excited namin kasi yung mga kasama ko dito, nakasama ko noon.

“Story conference pa lang, ang saya-saya na namin. I like them, I like bonding with them. Friends ko talaga sina Matteo and Kean. Very comfortable kami, hindi na yung parang nagkakailangan sa una,” pahabol pa ng sisteraka ni Toni Gonzaga.

Para naman kay Matteo, isang magandang Christmas gift para sa kanya ang Inday Bote, “Masaya ako (makakatrabaho ko uli si Alex). Actually yung first show ko talaga sa ABS, kasama ko si Alex sa Let’s Go and Go Kada Go tapos after so many years, magkasama na ulit kami.”

Samantala, ngayong darating na Pasko, may exchange gift daw sila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo, “Yes, meron nga, pero wala pa (nabibiling regalo), magsa-shopping pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

It’s going to be fun. I’m always looking forward to Christmas every year. Let’s see what this Christmas will be like.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending