Daniel, Kathryn lumebel agad sa mga premyadong aktor sa Pinas
NAKAABOT sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagbubukas ng tabing sa kanilang respective stars sa Walk of Fame sa Eastwood City last Monday.
Pagkatapos noon ay umakyat sa stage ng entertainment center ng Eastwood ang dalawa para sa kanilang speech. Of course, ang makasaysayang Walk of Fame ay brainchild ni Master Showman German Moreno.
Super thankful ang dalawa sa pagkakahanay ng pangalan nila sa iba pang mga nirerespeto, award-winning at legendary stars noon at ngayon. Sabi nga ni Daniel, every Monday, pupunta siya ng Eastwood para siya mismo ang maglilinis ng star niya sa Walk of Fame.
Four o-clock ng hapon ang call time ng event at past five na nagdatingan ang ibang awardees. As expected, dumating ang veterans stars gaya ni Toni Ferrer na kasama ang kanyang mga anak na sina Maricel Laxa at ex-beauty queen Mutya Crisostomo.
More than 70 years old na ang local version natin ng James Bond at matikas pa rin sa kanyang suot na white suit. Pero super alalay si Maricel sa kanyang daddy kasi syempre mahina na rin naman ito kahit paano.
But in fairness, na-endure niya ang pagtayo ng matagal sa stage, huh! Ang gwapo pa rin kahit sa kanyang pagtanda ni Dante Rivero na kasama ang kanyang mga anak.
Naroon din sina Daisy Romualdez, Chanda Romero, Evangeline Pascual at Sylvia Sanchez kasama ang kanyang family.
Bitbit din ni Aiko Melendez ang kanyang dalawang anak na sina Andrei at Martheena bilang isa rin sa binigyan ng star sa Wall of Fame.
Umingay naman ang kapaligiran noong dumating ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Humahangos naman sa paghabol si Allan K na kadarating lang ng Pinas from Japan kasama sina Ai Ai delas Alas with BF Gerald Sibayan and Malou Fagar.
Ang iba pang dumating para pasinayaan ang kanilang bituin sa sa Walk of Fame ay sina Angel Aquino, Tom Rodriguez, Jaya, ang ama ng bowling champ na si Rafael Nepomuceno na dati palang child star ang ama at may-ari ng Nepomuceno Productions noong araw na nagprodyus ng “Igorota” ni Charito Solis, Liza Macuja at ang apo ni Kuya Germs na si Luis Gabriel Moreno na isang Olympiad champion sa archery.
Hindi nakarating si Direk Joel Lamangan dahil nasa shooting, maysakit naman ang veteran actor na si Lito Legaspi na kataka-taka namang hindi ni-represent ng kahit isa sa kanyang mga anak gaya ni Paeng Nepomuceno, at si Willie Revillame na nagpasabi na pala kay Kuya Germs na hindi siya makakarating dahil busy sa kanyang hotel sa Tagaytay.
On our next column, abangan ang tsikahan namin with some of the awardees pati na ‘yung interview namin with Kuya Germs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.