Vic sa pagiging hari ng 2014 MMFF: Hayaan na lang natin ang manonood ang humusga! | Bandera

Vic sa pagiging hari ng 2014 MMFF: Hayaan na lang natin ang manonood ang humusga!

Ervin Santiago - December 02, 2014 - 02:21 PM

vic sotto
NILINAW ni Vic Sotto ang mga balitang very confident daw siya na magiging number one sa takilya ang 2014 MMFF entry nila ni Ryzza Mae Dizon ng “My Big Bossing”.

Marami kaming nababasa sa social media na naniniwala ang mga supporters nina Bossing at Aling Maliit na mangunguna sa box-office ang kanilang pelikula (mula sa OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment) dahil na rin sa kasikatan ng kanilang noontime show na Eat Bulaga.

In fairness, malalakas din kasi ang makakalaban ng movie nina Bossing this year sa filmfest, tulad ng “Praybeyt Benjamin 2” nina Vice Ganda, Bimby Aquino-Yap at Richard Yap at ang “Feng Shui 2” nina Kris Aquino at Coco Martin, pero sey ng mga dabarkads, iba pa rin daw kasi ang magic ni Bossing at ang karisma ni Ryzza.

Sa nakaraang presscon ng “My Big Bossing” sinabi ni Vic na, “Pabayaan na lang natin na ang mga manonood ang magsabi niyan dahil sila naman ang magbabayad sa sinehan, ‘di ba? Tsaka depende din ‘yan sa feedback ng mga tao.

“Ang Pasko naman talaga ay para sa buong pamilya. Lalabas ang mga ‘yan para manood ng sine at gusto nilang ma-entertain. Family bonding lang.

Kaya siguro nga ay perfect ang movie namin dahil bukod sa may mga matatanda, ay may mga bata kami dito. Matutuwa sila kina Ryzza Mae at Alonzo Muhlach (anak ni Niño). Pakikiligin din kayo ng dalawang ‘yan,” pahayag pa ni Vic.

Sabi pa ni Bossing sulit na sulit daw ang ibabayad ng mga manonood sa pelikula nila dahil 3-in-one nga ang “My Big Bossing”. Kumpletos rekados kumbaga ang handog nila sa mga Pinoy ngayong Pasko – may comedy, may horror at punumpuno ng adventure.

Ang unang episode na “Sirena,” ay tungkol sa batang humiling na maging isang tunay na mermaid. Kasama rito sina Manilyn Reynes, Wally Bayola at Pauleen Luna.

Ang ikalawang episode na “Taktak,” ay tungkol sa isang investigative reporter na ginagawan ng istorya ang isang batang espiritista na peke pala. Makakasama rito sina Marian Rivera at Jose Manalo.

Ikatlo naman ang “Prinsesa” na tungkol sa isang kaharian na nagkagulo dahil sa pagkawala ng kanilang prinsesa. Ka-join dito sina Zoren Legaspi, Nikki Gil, Ruby Rodriguez, Niño Muhlach, Rafa Siguion-Reyna, Sef Cadayona.

Ipinagmalaki rin ni Bossing na all-out ang gastos nila sa bawat episode, “Hindi uso ang tipid-tipid sa mga director naming sina Tony Reyes, Marlon Rivera at Bb. Joyce Bernal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung ano ang hilingin nila sa amin, binibigay namin. Gusto rin kasi namin na sulit ang ibabayad ng mga manonood. Ayaw naming mabibitin sila sa bawat episode kaya all-out kami sa special effects, costumes, props at pati na sa kinakain nila sa shooting.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending