Kris sa lovelife ni Coco: Ayaw kong makialam, para hindi rin niya pakialaman ‘yung sa akin!
Sa nakaraang opening ng food chain franchise nina Kris Aquino at Dominic Hernandez ay natanong namin kung bakit dalawa na si Lotus Feet sa trailer ng MMFF entry na “Feng Shui”.
Sa part one kasi ay nag-iisa lang ang iconic na horror character. Kuwento ni Kris, “Yung back story kasi (10 years ago) was, she (Lotus Feet) had a twin that she abandoned, so magre-reunite sila.
At sa pagre-reunite nila, mas powerful sila, kasi ang mangyayari, kung dati paisa-isa lang (mamamatay), ngayon, if someone dies, may twin na mamamatay din, hindi puwedeng isa-isa lang, so two at a time, ‘yun ang twist nito.”
So, mas maraming madugong patayan kaya mas nakakatakot ang part two? Ilang porsiyento ang katatakutan dito, “Okay, the first 35% of the movie is the journey of Lester (Coco Martin), kaya napaka-timely.
“Makikita ninyo sa start ng trailer na ninakaw niya (Lester) ‘yung bagua (salamin) at ‘yun ang mag-a-unleash ng lahat. Sabi ko nga, napaka-timely na pag nagnakaw ka, may singil (karma) ka na, at maraming innocent victims along the way. ‘Yun ang sumpa ng greed,” pahayag ng TV host-actress.
Tinanong namin kung buhay lahat silang mga bida sa ending ng pelikula, “Basta maraming dead,” natawang sagot ni Kris.
Sa tanong namin kung may “Feng Shui 3” na ba? “Sabi ni direk Chito Roño, ‘Oh, see you in 10 years, ha?’ Sabi ko naman, ‘Talaga, direk.
Every 10 years lang daw ang ‘Feng Shui’, sa kanya ako talaga bilib kasi ‘yung passion na ibinigay niya talaga rito at ‘yung sipag.”
Ipinagmalaki rin ni Kris ang pagkakaiba ng “Feng Shui 2″ sa nauna, “Super-duper ganda ng Feng Shui, kasi di ba in 10 years, ang daming innovation, ang daming bago, bongga ‘yung camera, dalawa, two cams are red dragon (digital camera) and a more peak lense, tapos iba na ‘yung quality ng ilaw, iba ‘yung crispness, ‘yung sharpness,” aniya.
Humanga rin nang todo ang TV host kay Coco Martin dahil sa sobrang kabaitan nito at higit sa lahat, walang kaere-ere sa katawan maski na sikat na.
“Di ba, malalaman mo ang tunay na pagkatao ng isang tao kapag madalas kayong nag-uusap, e, imagine at 4 a.m., nagkukuwentuhan kami kasi kami na lang ‘yung natitira (sa set), ultimo water bills namin sa isa’t isa, alam na namin, mga kuryente alam namin, kuwentong buhay ng family niya, alam ko na,” sabi ni Kris.
Tinanong namin kung alam na rin niya ang tungkol sa lovelife ni Coco, “Ayokong makialam sa kanya, kasi ayoko ring makialam siya sa akin. Ha-hahaha!”
“But all the kuwento about the mom, the dad, the lola, alam ko lahat, tapos nagku-compare kami ng expenses, kasi siya negosyante rin siya ngayon di ba, so ‘yun ‘yung mas pinag-uusapan namin,” hirit pa ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.