Arjo sa bilihan ng Award: Dedma, alam ko namang nakakaarte ako! | Bandera

Arjo sa bilihan ng Award: Dedma, alam ko namang nakakaarte ako!

Reggee Bonoan - December 02, 2014 - 03:00 AM

arjo atayde
DEDMA si Arjo Atayde sa mga kumuwestiyon kung bakit siya ang nanalong Best Actor by A Single Performance sa nakaraang Star Awards for TV para sa “Dos Por Dos” episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan gumanap siyang bading.

Pangatlong tropeo na ito ni Arjo sa PMPC, una ay ang Best New Male Personality, Best Supporting Actor at itong Best Actor by a Single Performance nga. Taun-taon daw kasi ay nananalo ang binata sa Star Awards.

Say ni Arjo, “Hindi ko pinapansin ‘yung mga ganu’n tita kasi hindi naman makakatulong po sa akin, saka di ba, taun-taon naman may ganyang isyu hindi lang sa akin, maski sa lahat ng winners?

“Alam ko naman nakakaarte ako, so siguro ang panghahawakan ko na lang po ay ‘yung mga sinasabi sa akin ng direktor ko at mga co-stars ko. Nagpapasalamat ako kasi napapansin po ako sa PMPC,” katwiran ni Arjo.

Say nga ni Arjo, may bago na naman siyang MMK na mapapanood sa Dis. 6 kung saan gaganap siyang pari na magkakagusto kay Yen Santos na isa namang madre.

May eksenang magyayakapan daw sina Arjo at Yen, hindi lang daw alam ng aktor kung may kissing scene sila, “Hindi ko po alam kung ipapakita po kasi baka mag-react po ang church at saka hindi pa po nakukunan.”

Saan mas nahirapan si Arjo, gumanap na bading o bilang pari? “Siyempre po sa bading kasi hindi naman po ako gay, pero ako po, maski mahirap gagawin ko as long as kailangan sa role. Hindi po ako namimili,” say ni Arjo.

Humingi ng payo si Arjo sa kaibigang pari ng magulang niya na siya ring nagkasal at spiritual adviser din ni Ai Ai delas Alas, si Fr. Erik Santos.

Talagang maraming tinanong daw si Arjo kay Fr. Erik kung paano ang tamang pananalita kapag nagmimisa, paano kumilos at kung paano makipag-usap sa mga babae.

Nagre-research daw ang aktor kapag maselan ang mga karakter na gagampanan niya lalo’t hindi niya talaga alam ang gagawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending