Nasa ibang bansa ang magandang kapalaran (2) | Bandera

Nasa ibang bansa ang magandang kapalaran (2)

Joseph Greenfield - December 01, 2014 - 02:20 PM

Sulat mula kay Joshua ng Magkiangkang, Bayuga, Agusan del Sur
Problema:
1.      Matagal na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako natatanggap. Minsan ay nagkatrabaho na ako kaya lang contractual lang kaya hindi din ako naregular. Kailan kaya ako magkakaroon ng permanente at regular na trabaho.
2.      Tapos po ako ng kursong Accountancy, kaya lang lagi nga pong hindi related sa course ko ang mga napapasukan ko. Sa palagay nyo sa taon kayang 2015 magiging maganda na kaya ang kapalaran ko sa larangan ng career at kung magtatagumpay kaya ako sa career kong ito. Balak ko rin pong kumuha ng CPA board exam, kung kukuha ako sa 2015 may pag-asa kaya akong makapasa at maging isang CPA? October 15, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Joshua ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing basta’t lagi ka lang magsuot ng kulay na asul, violet o kaya’y pula, sa tulong ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini o kaya’y Aquarius, sa susunod na taong 2015 sa edad mong 23 pataas, itatala sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa.
Numerology:
Ang birth date mong 15 ay nagsasabing ang lalaking tutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad at magkaroon ng magandang kapalaran sa ibayong dagat ay isinilang sa petsang 9, 18, 27, 6, 15 o kaya’y 24.
Graphology:
Bahagyang pagbabago lamang sa iyong lagda ang dapat upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Lakihan mo ang “buntot na bilog ng letrang g” sa iyong aplido. Kapag nalakihan mo na ang “buhay at bilog na buntot ng letrang “g” – tiyak ang magaganap, anoman ang gawin mo sa iyong buhay, aani ka ng malalaking pag-asenso at tagumpay.
Huling payo at paalala:
Joshua ayon sa iyong kapalaran kaya hindi ka matanggap sa mga inaaplayan mong trabaho at kaya hindi ka ma-regular dahil sa katotohanan, wala sa Pilipinas ang magandang kapalarang sa iyo ay naghihintay.
Bagkus tulad ng nasabi na, ang magandang kapalaran ay nasa malayong lugar, kung kaya’t ngayon palang simulant mo na ang pag-aaplay sa abroad, upang pagsapit ng taong 2015 sa buwan ng Mayo sa edad mong 24 pataas, tulad ng naipaliwanag na – sa bansang sakop din ng Asia, may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending