Nikki tumangging magsalita sa bagong bf: Saka na, baka maudlot! | Bandera

Nikki tumangging magsalita sa bagong bf: Saka na, baka maudlot!

Reggee Bonoan |November 30,2014
facebook
share this

Nikki tumangging magsalita sa bagong bf: Saka na, baka maudlot!

Reggee Bonoan - November 30, 2014 - 03:00 AM

nikki gil
Ang taray ng ATC Healthcare International dahil nakuha nilang mga endorser sina Nikki Gil, Iya Villania, Jackie Rice, Amy Perez at Mr. Raffy Tulfo para sa iba’t iba nilang produkto.

Say ng namumuno ng ATC na si Albert Chua ay nakasanayan na ng mga Pinoy ang nakakasamang gawain gaya ng madalas na pag-inom, paninigarilyo, sobra at di tamang pagkain bukod pa sa mahilig din tayong humanap ng mabilisang solusyon na nagiging masama ang epekto.

Kaya naman ang ATC ay mayroong maraming food supplements gaya ng dietary supplements, immunity boosters, detoxifying at cleansing products, pati na rin mga slimming capsules na maaring magsilbing solusyon para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Nakachika nga namin si Nikki sa ginanap na launching cum contract signing niya sa ATC Healthcare for Reducin at dito nga niya sinabi na maraming pagbabago sa buhay niya ngayong 2014 lalo na sa showbiz career niya.

Una na nga ang pagkakasama niya sa katatapos lang na seryeng Hawak Kamay, isama pa ang stage musical na “The Last Five Years” at siyempre, first time niyang mapapasama sa Metro Manila Film Festival, kasama siya sa “My Big Bossing” nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Marian Rivera.

“Mabait talaga ang Panginoon, ‘yun lang ang masasabi ko. Ako naman, ever since I got in the industry, open arms lang ako, tinatanggap ko lang kung ano ‘yung ibinibigay sa akin.

Hindi naman ako naghahangad ng sobra-sobra,” bungad ng TV host-actress. Inamin ni Nikki na timing ang pag-alok sa kanya ng bago niyang endorsement dahil nga kailangan niya ito para maging fit siya parati.

Hindi nga namin siya nakilala dahil ibang-iba ang itsura niya kapag napapanood sa telebisyon. “Well, showbiz is a very competitive business, so you really have to look good.

Ako kasi, may tendency talaga akong maging chubby-lita, kaya I push myself to be fit talaga. At saka I do it for me because it makes me happy. When you’re healthy, you’re happy.

Ako kasi, mahilig akong magbihis, so maganda ‘yung fit ng mga damit sa akin,” aniya. Hindi naman kaila sa lahat na dumating din si Nikki sa lowest point of her life noong naghiwalay sila ni Billy Crawford pero maayos naman niya itong na-handle at sa katunayan ay may bago ng manliligaw ngayon ang dalaga.

Ayaw pang magbigay ni Nikki ng detalye tungkol sa manliligaw niya, “Baka maudlot, kapag confirmed na confirmed na at saka ko itsitsika,” say ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maganda raw ang relasyon nila ngayon ng guy, “we’re sharing a very healthy friendship, healthy relationship. Definitely, we’re serious,” saad ni Nikki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending