XIAN may itinatagong DYOWA | Bandera

XIAN may itinatagong DYOWA

- April 03, 2012 - 03:13 PM

Niloloko at pinaaasa lang daw si Kim

PUMATOK nga ang pangalan ni Xian Lim sa teleserye nila noon ni Kim Chiu na My Binondo Girl  ng ABS-CBN and from then on ay napalapit na ang dalawa sa isa’t isa at naging instant hit talaga ang kanilang loveteam.

This may not be so fresh for Kim dahil for the longest time ay na-link ang pangalan niya sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

And since break na sila ni Ge ay napunta naman ang lalaki kay Sarah Geronimo na pinaniniwalaang magdyowa na ngayon.

Hayun, mukhang unti-unti namang natatanggap ng public ang loveteam nina Kim and Xian.

And truth of the matter is, mukhang nagkakahulugan na raw ng loob ang dalawa – some may not believe it dahil we’ve heard Xian has a commitment na with someone else.

Yes, balitang may itinatago raw dyoa itong si Xian. Kung true ito, kawawa naman si Kim.

“Ginagamit lang naman ng Xian na iyan si Kim, eh.

Hindi naman talaga sila bagay, ‘no! Mas bagay pa rin sina Kim and Gerald kahit ano pang sabihin nila.

Pinipilit lang nila ang Xian na iyan para magkapangalan. Hmp!” talak ng isang Kimerald.

“Hindi lang nila matanggap na iniwan na ni Gerald si Kim.

Mas bagay naman sina Gerald at Sarah, ‘no! Tsaka ang mga Kimerald na iyan, nagtatapang-tapangan.

Subukan nilang galawin si Sarah at magkakamatayan kami,” pananakot naman ng isang mataray na Sarah-Gerald follower.

Wait! Huwag kayong magpatayan – Mahal na Araw po.

Ha-hahaha! Ganito na lang ang gawin ninyo – tanggapin n’yo na lang sa inyong mga puso na wala na sina Gerald at Kim at kung magkatuluyan naman sina Gerald at Sarah, so be it.

Hayaan na lang din nating ma-develop ang relasyon nina Xian and Kim – tutal pareho naman silang Intsik, di ba? He-hehehe!

“Halata namang ginagamit lang ni Xian si Kim, ‘no! May tsismis pa ngang bading si Xian kaya doon na lang siya.

At least, si Gerald tunay na lalaki talaga.

Kung natsitsismis man siya before na may gay benefactor, siya pa rin ang lalaki.

Unlike si Xian na natsismis na may ka-date raw dating male model sa Boracay!” pagtataray ng isang fan ni Sarah.

Ano ba iyan? Kung saan-saan na nakakarating ang usapan.

Ang issue lang naman dito ay yung sinasabing ginagamit lang ni Xian si Kim para sumikat.

Ganoon lang talaga sa showbiz – hindi naman siguro malaking kasalanan ni Xian na magklik ang tandem nila ni Kim.

At yung mga personal na bagay sa mga buhay nila ay hayaan na lang sana natin.

Huwag na nating panghimasukan. Echos!

Para matapos na ang isyu na iyan, huwag na nating palakihin pa ang tsikahang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Itigil na natin. Martes Santo kaya. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending