AKO po si Ellen Zulueta ng Barangay Balugo, Sta. Cruz, Marinduqe. Nabalitan ko po na covered na ng Philhealth ang lahat ng senior citizens. Ang nanay ko po ay si Mrs. Helen Zulueta ay isang biyuda. Siya po ay 72 yrs. old na.
Ano po ang dapat naming gawin para mapasama sa beneficiary ng bagong programang ito na ipatutupad ng Philhealth?
Anu-ano po ang maaaring masakop ng kanyang benipisyo? Sana ay matulungan ninyo ako. Malaking tulong ito para sa aking nanay. Salamat po.
Ms. Ellen Zulueta
REPLY: Bb. Zulueta:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa Republic Act 10645 o Mandatory PhilHealth Coverage for All Senior Citizens.
Nais po naming ipabatid na ang PhilHealth ay kasalukuyang gumagawa ng guidelines para sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Samantala, habang hindi pa nailalabas ang circular para rito, ang inyo pong ina ay maaring ideklarang dependent ng isa sa kanyang mga anak na aktibong miyembro ng PhilHealth.
Maaari rin siyang magparehistro bilang Lifetime Member ng PhilHealth kung siya ay may hulog sa PhilHealth at/o Medicare nang hindi bababa sa 120 buwang kontribusyon at walang trabaho upang makagamit ng benepisyo sa PhilHealth kung sakaling kailanganin.
Nawa ay amin pong nabigyang-linaw ang inyong mga katanungan. Kung kayo po ay may iba pang nais na malaman sa programa ng PhilHealth maari po kayong tumawag sa (02) 441-7442 o mag-email sa [email protected] at malugod po namin kayong paglilingkuran.
Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.