So, payag din palang makipaghalikan at makipag-love scene sa babae itong si Lovi Poe!
Wala talagang kaarte-arte sa katawan itong si Lovi, ‘no! Game na game siya kahit na anong ipagawa sa kanya ng kanyang direktor.
May nag-e-mail sa ating isang reader tungkol sa napanood niyang mga eksena last Friday sa Legacy ng GMA 7 at puring-puri niya ang tatlong bidang babae sa nasabing primetime series na mapapanood na after Biritera – sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi at ito ngang si Lovi.
“Wala talaga akong masabi sa tatlong leading ladies ng Legacy. Wapak na wapak ang kanilang acting.
Hindi sila naglalamunan sa kanilang mga eksena pero lutang na lutang ang kanilang pagiging aktres.
Ang taray-taray ni Lovi, para siyang batang Hilda Koronel.
“Si Heart hindi siya maramot sa mga eksena, kapag kailangan niyang mag-underacting go lang siya.
Wala siyang pa-star effect. Natural na aktres.
At si Alex, winner! Para naman siyang batang Carmi Martin na kahit kontrabida, hindi ka maiinis sa kanya!” say pa ng ating e-mail sender.
Anyway, going back to Lovi, kahit daw pumatol sa kapwa babae, makipaghalikan at makipagchurvahan dito ay gagawin niya, for art’s sake.
Balita kasi na magkakaroon sila ng kissing scene ni Jennylyn Mercado sa susunod nilang pelikula.
Say ni Lovi, bagong challenge na naman daw ‘yun sa kanya kaya go lang siya nang go.
Artista raw siya at trabaho niya ang sundin kung ano ang gusto ng direktor.
Pero siyempre, may limitations pa rin daw siya pagdating sa mga ganitong eksena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.