Ariel: Ano pa magagawa, di ba? tatanggapin mo na lang! | Bandera

Ariel: Ano pa magagawa, di ba? tatanggapin mo na lang!

Ervin Santiago - November 19, 2014 - 03:00 AM

 

gellie de belen

Aminado si Ariel Rivera na istrikto siya bilang ama sa pagpapalaki sa mga anak nila ni Gelli de Belen. Nakachika ng entertainment press si Ariel sa special screening ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Bagito, kung saan gumaganap siyang tatay ni Nash Aguas na nakabuntis ng isang college student sa edad na 14.

Ipinalabas sa press at sa cast ng serye ang pilot week. Bukod sa teen pregnancy, ang Bagito ay tungkol din sa isyu ng mga teenager na dumaranas ng puppy love, peer pressure, at ang relasyon nila sa kanilang mga magulang.

At dahil nga nagbibinata na ang mga anak nina Ariel at Gelli na sina Joaquin, 15, at Julio, 14, tinanong ang aktor-singer kung may takot ba siyang nararamdaman sa paglaki ng mga bagets dahil baka pagdaanan din ng mga ito ang naranasan ni Nash sa kuwento ng Bagito?

“No, that’s not my greatest fear. I don’t worry about that. I work on it and I feel that I raised them well from the very beginning. So, umaasa ako na lalaki silang matitino.

Ang fear ko ay yung lumaki sila na hindi good persons, yun ang sa akin. “We can handle those problems. Pero when they become as not good persons, that’s the problem that we have to fix, that’s it,” ani Ariel.

Ayon sa mister ni Gelli, may sarili siyang paraan sa pagdidisiplina sa kanyang mga anak, “Kanya-kanya ‘yan, e. Ako naman, ever since na nung wala pa akong mga anak, sa mga pamangkin ko pa lang, disciplinarian na ako.

“So, yes, lalo na siguro kapag mga anak ako ngayon na kasing-edad nila, mas kailangan nila ngayon ng guidance, mas tututukan mo,” aniya pa.

Tatanggapin din ni Ariel kung makabuntis man nang wala sa oras ang kanyang anak, “Ano’ng magagawa ko, ‘di ba? Magulang ka, e, and that becomes your territory, that becomes your responsibility.

Tutulungan mo siya, guide him more to become, hopefully, a better father than me.”Naniniwala rin siya na may sariling isip na ang mga anak niya and he believes that they are already aware about these teen issues, “I’m sure alam na nila ‘yan.

Siyempre sila, may mga kaibigan na ang mga ‘yan, pinag-uusapan na nila ‘yan. I’m sure, they are are aware of it.”Sigurado naman si Ariel na ibang-iba ang magiging sagot ni Gelli sa mga ganitong issue, “Naku, ‘pag yun, mas malaki ang reaksiyon nu’n.

Kasi ako, mas kalmado ako. Siya, ‘Ay naku!’ Ganu’n yun. I’m sure, maghi-hysterical yun kapag nalagay kami sa ganung posisyon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na rin ba sa TV at pelikula very soon ang mga anak nila? “Wala silang interes, wala silang hilig talaga. Hindi naman namin ini-encourage, pero kung sakali, hindi namin idi-discourage.

Basta, gusto namin na gawin nila ang gusto nilang gawin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending