Rockets nakalusot sa Thunder, 69-65 | Bandera

Rockets nakalusot sa Thunder, 69-65

- , November 18, 2014 - 12:00 PM

UMISKOR si James Harden ng 19 puntos para tulungan ang Houston Rockets na talunin ang Oklahoma City Thunder, 69-65, at kubrahin ang ikatlong sunod na panalo sa kanilang NBA kahapon sa Oklahoma City.

Si Dwight Howard ay nag-ambag ng 12 puntos at siyam na rebounds para sa Houston habang si Patrick Beverley ay nagdagdag ng 12 puntos at walong rebounds.

Ang huling pagkakataon na ang isang koponan ay nanalo na may 69 o mas mababa pang puntos ay ang Detroit Pistons kontra Utah Jazz, 64-62, noong Marso 13, 2005 ayon sa STATS. Ang dalawang koponan ay tumira ng mababa sa 30 porsiyento mula sa field at huling nangyari ito noong Oktubre 29, 2003 nang talunin ng Denver Nuggets ang San Antonio Spurs, 80-72.

Ang Houston ay tumira lamang ng 28.8 porsiyento. Ang huling pagkakataon na ang isang NBA team ay nagwagi na may mababang porsiyento ay noong Pebrero 19, 2000 nang ang Chicago Bulls ay tumira ng 28.6 porsiyento sa panalo nito laban sa Los Angeles Clippers, 74-72.

Si Reggie Jackson ay nagtala ng 15 puntos at 11 rebounds para sa Thunder.

Bucks 91, Heat 84
Sa Miami, nagbuslo si Brandon Knight ng tatlong 3-pointers sa huling bahagi ng ikaapat na yugto tungo sa pag-iskor ng 20 puntos para pangunahan ang Milwaukee Bucks sa kanilang road win kontra Miami Heat.

Si Jabari Parker ay nagdagdag ng 13 puntos para sa Bucks (5-5), na nag-umpisa sa 5-21 noong nakaraang season. Sina Larry Sanders, Giannis Antetokounmpo at Zaza Pachulia ay nag-ambag ng tig-11 puntos.

Tinalo naman ng Milwaukee ang Miami sa unang pagkakataon sa huling 10 paghaharap nila kabilang na ang playoffs.

Si Mario Chalmers ay gumawa ng 18 puntos para sa Miami, na hindi nakasamang muli si Dwyane Wade at natalo ng tatlong sunod. Si Shawne Williams ay nagdagdag ng 13 puntos. Si Wade ay hindi nakapaglaro sa ikalawang sunod na laro bunga ng hamstring injury.

Knicks 109, Nuggets 93
Sa New York, nalimita ng Knicks ang Nuggets sa isang basket sa ikalawang yugto at winakasan ang seven-game losing streak.

Tabla ang laro sa iskor na 31-all papasok sa ikalawang yugto, biglang rumatsada ang Knicks para daigin sa puntusan ang Nuggets, 31-8. Ang layup ni Ty Lawson sa pagtunog ng buzzer ang naging tanging field goal ng Denver sa ikalawang yugto.

Sina Carmelo Anthony at J.R. Smith ay kapwa umiskor ng 28 puntos para sa New York.

Si Arron Afflalo ay nagtala ng 18 puntos habang si Lawson ay nag-ambag ng 17 puntos at siyam na assists para sa Nuggets, na natalo sa pito sa huling walong laro.

Warriors 136, Lakers 115
Sa Los Angeles, si Stephen Curry ay gumawa ng 30 puntos at 15 assists para pamunuan ang Golden State Warriors sa tambakang panalo kontra Los Angeles Lakers.

Si Andrew Bogut ay nag-ambag ng 15 puntos at 10 rebounds para sa nangunguna sa Pacific Division na Warriors na umangat sa 8-2 kartada sa ilalim ng bagong coach na si Steve Kerr.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Klay Thompson ay nagtapos na may 18 puntos para sa Golden State.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending