Ika-4 sunod na panalo asam ng Talk ‘n Text | Bandera

Ika-4 sunod na panalo asam ng Talk ‘n Text

Barry Pascua - November 18, 2014 - 03:00 AM

talk n text

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater Elite vs Purefoods Star
7 p.m. Talk ‘N Text vs Globalport
Team Standings:
Alaska (6-0); San Miguel Beer (5-1); Barangay Ginebra (5-2); Rain or Shine (5-2); Talk ‘N Text (4-2); Meralco (3-3); Globalport (3-3); Purefoods Star (2-3); NLEX (2-4); Barako Bull (1-5); Kia (1-6); Blackwater (0-6)

IKAAPAT na sunod na panalo ang hangad ng Talk ‘N Text na maiposte laban sa Globalport sa kanilang pagtutuos sa 2014-15 PBA Philippine Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon, pinapaboran ang defending champion Purefoods Star kontra expansion franchise Blackwater Elite.

Animo nabawi na ng Tropang Texters ang kanilang winning ways sa ilalim ni coach Joseph Uichico at nakapagposte ng panalo laban sa Rain or Shine (99-76), Kia Sorento (85-72) at Meralco (80-72) upang umakyat sa 4-2 kartada.

Kung magwawagi sila mamaya ay makakasama nila sa ikatlong puwesto ang Elasto Painters at Barangay Ginebra. Sa kabilang dako, napatid naman ang two-game winning streak ng Globalport nang ito ay matalo sa Rain or Shine, 86-83.

Bumagsak ito sa ikaanim na puwesto kasama ang Meralco sa record na 3-3. Laban sa Bolts, tatlong Tropang Texters ang kumamada ng double figures sa scoring.

Si Ryan Reyes ay nagtala ng 17 puntos, si Ranidel De Ocampo ay nag-ambag ng 15 at si Jason Castro ay nagdagdag ng 12.
Sa kanyang ikalawang laro ng season, si Jimmy Alapag ay gumawa ng pitong puntos kasama na ang apat na free throws na sumelyo sa panalo ng Talk ‘N Text.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending