ANNE buhay-reyna sa piling ng dyowa | Bandera

ANNE buhay-reyna sa piling ng dyowa

|April 01,2012
facebook
share this

ANNE buhay-reyna sa piling ng dyowa

- April 01, 2012 - 02:46 PM

‘Pero ayoko pa talagang magpakasal!’

WALANG duda na isa na si Anne Curtis sa top moneymaker ngayon ng BIR.

Very visible kasi si Anne sa telebisyon, pelikula, TV commercials, product endorsements at pati na sa recording at concert, huh!

Everyday naming binabaybay ang kahabaan ng EDSA at panay mukha ni Anne ang nakabandera sa naglalakihang billboards.

And recently, ni-launch na naman siya bilang endorser ng Cherry Mobile Kiss Phones.

Unanimous daw ang pagpili ng Cherry Mobiles executives kay Anne bilang endorser for their new line of phones.

Sakto naman kay Anne dahil trademark na niya sa showbiz ang kanyang magagandang lips.

Hindi nga inakala ni Anne na dahil sa magaganda niyang lips kaya rin siya kinuha ng Cherry.

Lubra lips daw ang tawag dito sa Australia kung saan nagmula ang kanyang daddy.

“Lubra lips ang tawag niya sa akin nu’ng bagets ako kasi malaki.

So, it was something that my dad used to tease me about when I was in primary school… when I was in grade school.

Dati naku-concious ako. But thank you Angelina Jolie.

I want to thank you for paving the way for us,” sambit ni Anne.

Diin ni Anne, natural at walang halong chemical ang kanyang makapal na lips.

In fairness kay Anne, bata pa lang siya ay kita na namin ang malaking bibig niya nu’ng sila pa ni Chubi del Rosario ang pini-pair ng Viva.

Sa pagiging isa sa pinakamayamang young actress naman ngayon sa showbiz, mabilis na tumanggi si Anne dito.

Sobrang busy lang daw niyia, sobrang active at sobrang pagod.

“Pero no complaints. Ginusto ko ito, di ba? Sobrang happy lang,” sabi ni Anne.

Sa nakaraang birthday naman ng kasamahan niya sa It’s Showtime na si Karylle dumating si Anne with her boyfriend na si Erwan Heussaff.

Masaya naman daw sila hanggang ngayon.

Pero wala pa silang planong pakasal.

Super ine-enjoy muna nila ang isa’t isa lalo na ang mga niluluto ni Erwan for Anne.

Yes, talagang pinagluluto raw ni Erwan si Anne kaya ang sweet, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bihira lang kasi sa lalaki ang gumagawa ng ganyan sa kanilang mga girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending